91 estudyante sa Alternative Learning System (ALS), Nagsipagtapos na.

Agosto 5, 2016| Mark Lacsamana

Nagsipagtapos na ang 91 estudyante ng  bayan ng Ibaan sa programang Alternative Learning System o ALS ng Department of Education, Agosto 4, sa Recto Gymnasium Poblacion, Ibaan, Batangas.

Click here to see photos.

Sinimulan ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Rev. Father Randy Marquez, ng St. James the Greater Parish.

Unang nagbigay ng pahayag si Gng. Constansya A. Perez, ang ALS Principal Consultant. Binanggit nya na ang araw na iyon ang pinakahihintay na sandali ng mga estudyante, at ito rin ang bunga ng kanilang pagsisikap. Pinayuhan nya ang mga estudyante na gawin nilang gabay ang mga itinuro ng mga guro sa pagkamit sa kanilang pangarap.

Pinasalamatan naman ni Konsehal Paul John Chua, Committee on Education, ang mga guro,at mga magulang na gumabay sa pag-aaral ng estudyante. Nagpasalamat din sya sa kanyang mga kasama sa sangguniang bayan, at sa butihing Mayor Juan Toreja, sa suporta na ibinigay nila sa programang ito.

Sa pagpapatuloy ng programa, sinabi naman ni Vice Mayor Edralyn Joy Salvame na bibigyan daw nya ng trabaho  ang mga nagsipagtapos ngayong taon sa ALS.

Pinayuhan naman ni Gng. Emiliana Roxas, District of Ibaan, ang mga magulang na gabayan, at pangaralan ng mabubuting aral ang mga anak. Nagbigay din si Gng. Roxas ng mensahe sa mga nagsipagtapos na magsumikap, at laging magdasal sa Diyos.

Isang mensahe din ang ibinigay ng ating butihing Mayor Juan Toreja. Sa kanyang pahayag ” Mapalad po kayong nagsipagtapos dahil nabigyan uli kayo ng pagkakataon upang makapag-aral uli. Ang makatapos sa pag-aaral ay  nakakadagdag sa pagkatao ng isang mag-aaral”.

Ayon pa kay Mayor Toreja, isa ang bayan ng Ibaan sa buong Batangas na may pinakamaraming nagsipagtapos sa Alternative Learning System.

Sa pagtatapos ng programa, tumanggap ng Plaque of Recognition si Mayor Toreja bilang pagkilala  sa kanyang pagsuporta sa ALS at Abot-Alam program.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s