2nd Women’s Inter- Barangay Volleyball League, nagsimula na

Nagsimula na ang inaabangang liga sa bayan ng Ibaan na may titulong “2nd Women’s Inter-Barangay Volleyball League”, na ginanap sa Poblacion Recto Gymnasium covered court, Hulyo 30.

Click here for more photos.

Bago ang programa, nagsimula ang seremonya sa pagparada ng mga koponan, mula sa iba’t-ibang barangay.

Ang nasabing liga ay nilahukan ng 14 na barangay. Kabilang sa mga sumaling barangay sa kompetisyon ay ang Barangay Bago, Bungahan, Balanga, Coliat, Matala, Palindan, Poblacion, Pangao, San Agustin, Sto. Nino, Salaban 2, Sabang,Talaibon, at Tulay.

Sa pag-uumpisa ng programa, isang pangunang pagbati sa mga atleta, at manonood ang binigay ni Engr. Noriel Aguila, ang Executive Director ng Ibaan Municipal Physical Fitness, and Sports Development Council. Kasama rin sa mga dumalo sina Konsehal Julius Panaligan, at Konsehal Socrates Arellano

Nagbigay naman ng mensahe ang ating butihing Mayor Juan Toreja. Sa kanyang pahayag “Ang paliga pong ito ay hindi lamang idinadaos upang pagkaisahin ang mga mamamayan sa isang barangay, hindi lamang din po para makapagdulot ng masayang karanasan, kundi nais po nating mapag-ibayo pa ang ating pakikipag-kapwa tao at syempre ang disiplina sa sarili”.

Dagdag pa ng Alkalde, “Para narin po lalo pang paghusayan ng ating mga atleta ang paglalaro ng Volleyball, sa liga din pong ito tayo ay pipili ng mga atletang maaaring maging kinatawan ng ating bayan sa malalaking kompetisyon” .

Mapapanood ang nabanggit na palaro tuwing Byernes, Sabado, at Linggo sa Recto Gymnasium, Poblacion. Magsisimula ang first game ng 5:30 ng hapon tuwing Byernes, 4:00 ng hapon naman tuwing Sabado, at 5:00 ng hapon tuwing araw ng Linggo.

Bago naman pormal na simulan ang liga, isang  ceremonial serving serve ang pinangunahan ng ating butihing Mayor, bilang hudyat ng pagsisimula ng palaro.

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s