1,537 Botante, Nagrehistro Sa Ibaan Para Sa SK At Barangay Election 2016

August 4, 2016

Sa pagtatapos ng itinakdang July 30 registration deadline ng COMELEC para sa SK at Barangay Election 2016, umabot sa 1,537 ang bilang ng botante ang nag-rehistro sa bayan ng Ibaan, Batangas.

Nagtala ng pinakamaraming bilang ang Brgy. Lapu-lapu na mayroong 191 botante. Sinundan ito ng Brgy. Talaibon (163 botante), Brgy. Lucsuhin (124 botante), Brgy. Poblacion (104 botante), at Brgy. Sto.Nino (85 botante) ayon sa pagkakasunod-sunod para sa unang lima na may pinakamaraming bilang ng nag-rehistro.

Matatandaan na sinimulan ang registration noong July 15 at nagtapos nooong July 30. Ang nasabing registration ay para sa may edad 15 hanggang 30 pataas para na rin sa iba na nagnanais na makaboto para sa Barangay Election. Kasama na rin sa registration ang mga Application For Reactivation, Change Of Name, at Correction of Entries.

Nakatakdang ganapin ang eleksyon sa Oktubre 31, 2016.

Ayon sa COMELEC Resolution No. 10148 at sa ilalim ng bagong Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 (R.A. 10472), edad 15-30 ang bubuo ng tinatawag na Katipunan Ng Kabataan (Youth Assembly). Mula naman dito, tanging ang mga kabataan lamang na edad 18-24 ang maaring kumandidato upang maging miyembro ng Sangguniang Kabataan na binubuo ng isang Chairman at pitong (7) miymebro na mayroong isang tatlong taong termino (3-year term).

Samantala, nakapagtala ang Brgy. Talaibon ng may pinakamataas na bilang ng nagrehistro para sa edad 15 – 17 na mayroong 118 kabataan. Sumunod ang Brgy. Lapu-lapu na mayroong 83, Brgy. Lucsuhin (86), Sto. Nino at Poblacion (53), at Brgy. Coliat (32) ayon sa pagkakasunod.

Para naman sa edad 18 pataas, Brgy. Lapu-lapu ang may pinakamataas sa bilang na 75 botante. Sinundan ito ng Brgy. Pangao (43), Brgy. Poblacion (40), Brgy. Talaibon (36), at Brgy. Matala (35).

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s