P1M Sustainable Livelihood Project, Ipinagkaloob Sa Magha-habi Ng Brgy. Munting Tubig

July 28, 2016

“Isa itong tagumpay para sa ating mga kababayan na gumagawa ng habi, lalong higit para industriya na masasabi nating tatak-Ibaan talaga”.

Read related article.

Ito ang naging pahayag ni Mayor Danny Toreja matapos ang opisyal na pagkakaloob ng pamahalaang bayan ng Ibaan sa tulong ng Department of Social Welfare and Developmetn (DSWD) ng P1 milyong halaga ng Sustainable Livelihood Project sa grupo ng kababaihan sa Sitio Sta. Margarita, Brgy. Munting Tubig, Ibaan, Batangas bilang suporta sa papahinang industriya ng pagha-habi, July 27.

Sa isang pagpupulong na isinagawa sa pagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Gng. Irene Torres na kumakatawan kay Mayor Toreja at mga magha-habi ng nasabing barangay, tinalakay ang mga probisyon, kondisyon, at mga kalakip ng nasabing programa.

Ayon kay Gng. Irene, nakapaloob sa proyekto ang pagpapagawa ng building, mga materyales sa paghahabi at pananahi, makina sa pananahi, at ang pagpapagawa ng habihan.

 

Ang paghahabi ay maihahalintulad sa tradisyunal na paggagawa ng kulambo kung saan nakilala ang bayan ng Ibaan. Sa buong probinsya ng Batangas, ang mga kababaihan ng Sitio Sta. Margarita na lamang ang gumagawa nito. Hindi nalalayo ang hitsura ng habi ng Ibaan sa mga tela na gawa ng mga katutubo na kadalasang makikita sa Baguio City, ganun sa mga lugar sa Mindanao.

Naisakatuparan naman ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng Bottom-Up-Budgeting na isinasagawa ng Local Poverty Reduction Action Team (LPRAT) na binubuo ng iba’t ibang sektor ng lipunan at katuwang ng pamahalaang bayan sa pagtukoy ng mga proyektong pangkabuhayan. Matapos na matukoy at maaprubahan ng LPRAT ang mga proyekto, isinusumite naman ito sa Department of Social Welfare and Development upang mapaglaanan ng pondo.

“Nagpapasalamat tayo sa LPRAT sa pagtukoy nila sa humihinang industriya ng paghahabi bilang isa sa mga proyekto na dapat bigyang pansin”, dagdag pa ni Mayor Toreja.

Ayon pa kay Gng. Irene ng MSWO, walang humpay na pakikipag-ugnayan sa DSWD ang ginawa ng Punong Bayan para sa mabilisang pag-release ng pondo para sa nasabing proyekto simula nang isumite ito.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga maghahabi sa proyektong natanggap. Ayon kay Gng. Quinay, ang Presidente ng grupo, maipagpapatuloy na nila ang kanilang nakagisnang hanap-buhay. Magkakaroon na rin umano sila ng pagkakataon upang makapagbigay ng mga pagsasanay sa nakababatang henerasyon upang matutunan ang paghahabi.

“Magkakaroon pa tayo ng mga konsultasyon at pag-aaral sa mga susunod na buwan para sa mas mabilis na impelementasyon ng proyekto”, dagdag pa ni Gng. Torres.

Binisita rin ang lupang pagtatayuan ng gusali ng habihan kasama ang kinatawan ng DSWD mula sa Batangas na si Bb. Romalyn Tapiador, G. Raymundo Reus at G. Danilo Tenorio ng Engineering Office at Kapitan ng Barangay G. Mario Acebo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s