No.10 most wanted sa Ibaan, huli

July 22, 2016 | Mark Lacsamana

Matapos ang labindalawang taong pagtatago sa batas, bumagsak na rin sa kamay ng mga otoridad ang isa sa “most wanted” persons sa bayan ng Ibaan, Batangas.

Kinilala ang inaresto noong Hulyo 19 na si Jerson Verana, Jr., 46, nakatira sa Brgy. Tulay, Ibaan, Batangas.

Ayon kay PSINSP Ricaredo D. Dalisay, hepe ng Ibaan MPS, nakatanggap sila ng impormasyon na bumisita umano ang suspek sa dati niyang tirahan sa nasabing barangay.

Bunsod nito, agad nilang pinuntahan ang lugar dala ang Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 2289 na nagresulta sa agarang pagkakahuli kay Verana Jr.

Si Verana Jr. ay may kasong less serious physical injuries dahil sa kanyang pambubugbog umano kay Amy Maralit ng nasabi ding barangay noong Abril 20014.

Dagdag pa ni PSI Dalisay, nagtago umano ang suspek sa Alabang, Muntinlupa at gumamit ng ibang pangalan upang makaiwas sa batas.

Agad namang ikinulong ang suspek sa Ibaan MPS subalit nakalaya din kinabukasan matapos maglagak ng piyansa.

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s