2nd Food Festival 2016, isinagawa sa Sabang ES

sabang elementary school food festival july 25 2016 ibaan batangas 21
Sabang Elementary School Principal Mrs. Norma Cantos.

July 25, 2016 | Lala Esmana

Bilang bahagi ng Nutrition Month Celebration na programa ng Department of Education, isinagawa ang 2nd Food Festival sa Sabang Elementary School, July 25, na may temang “1,000 Days Ni Baby, Pahalagahan Para Sa Malusog Na Kinabukasan”.

Ang Nutrition Month na isinasagawa sa lahat ng eskwelahan sa elementarya at sekondarya ngayong buwan ng Hulyo. Layunin ng programa na mabawasan ang mga batang kulang sa timbang, sa laki at upang magkaroon ng kontribusyon sa tamang pagpapalaki ng mga bata.

Pinangunahan ni Sabang ES Principal Norma Cantos ang programa kasama ang mga guro, estudyante at mga magulang. Dumalo din sina Vice Mayor Joy Salvame, Kon. PJ Chua, Kon. Turing Maputi, Kon. Cesar Marasigan, Kon. Mati Guerra, at Kon.Juvy Mendoza.

Nagsilbi namang mga hurado sina ICS Principal Connie Perez, PMMES Principal Fely Dimaano, at Bungahan ES Principal Neddie Alcantara ng mga pagkain na inihanda ng mga mag-aaral at magulang base sa mga sumusunod na kategorya:

  • Most Unique and Nutritious Menu
  • Most Pleasant Desert
  • Best In Table Setting And Food Preparation

 

May tatanggaping cash at regalo ang mga mananalo at ito ay mapupunta sa bawat classroom.

Ayon kay Prinicpal Norma, ipagpapatuloy nila ang ganitong selebrasyon para na rin sa kapakinabangan at kalusugan ng kanilang mga mag aaral.

Ang selebrasyon ng Food Festival ay kasabay din ng pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Santiago na patron sa bayan ng Ibaan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s