1 patay, 3 sugatan sa pananaksak sa Ibaan

July 21, 2016 | Lala E. Esmana

Isang lalaki ang patay, habang tatlo pa ang sugatan sa isang insidente ng pananaksak sa Brgy. Mabalor, Ibaan, Batangas noong Hulyo 20, bandang 8:30 ng gabi dahilan sa hindi pagkakaunawaan sa isang inuman.

Kinilala ang biktimang nasawi na si Joseph Gerald Samson, 29 taong gulang at may asawa, habang ang mga sugatan naman ay sina  Joseph Acebo, 22, Warren Rosaria, 18 at Gifferson Altamirano, 17

Ayon kay PSINSP Ricaredo D. Dalisay, hepe Ibaan MPS, nakatanggap siya ng tawag mula sa Kapitan ng barangay na si Roderick V. Rabano, 8:45 ng gabi tungkol sa naganap na pananaksak sa kanilang lugar. Agad naman itong pinuntahan ni PO1 Reynaldo P. Dusal kasama ang patrol team upang magsagawa ng imbestigasyon.

Sa isinagawang imbistigasyon, naimbitahan umano ang dalawang suspek na sina Jessie Agkis, 26 taong gulang at Lyndon Capoquian y Saor, 25, pawang naninirahan sa Brgy. Mahanadiong, Taysan, Batangas upang mag inuman sa bahay ng biktima.

Dagdag pa ni PSI Dalisay, dahil na rin sa impluwensya ng alak, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang grupo sa gitna ng inuman na nagresulta sa hindi inaasahang insidente. Nagtamo ng dalawang saksak sa harap at likod mula sa suspek na si Jessie Agkis ang biktimang si Samson na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Umawat naman ang tatlong kasamahan ni Samson Joseph, Warren, at Gifferson subalit sila naman ang pinagbalingan ng suspek at nagtamo din ng mga sugat.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng isang Racal na motorsiklo. Sa ginawang follow-up and manhunt operation ng Ibaan-PNP at sa pakikipagtulungan ng Rosario – PNP, nahuli din ang mga suspek bandang alas-tres madaling-araw sa Sitio Kuyo, Rosario, Batangas.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Ibaan MPS habang pinag-aaralan pa ng pulisya ang kasong isasampa sa mga suspek.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s