Ruta ng trapiko para sa Kapistahan ni Poong Santiago, pinaghandaan

preparations for feast of saint james 2016 ibaan batangas paul john chua ibaan traffic enforcers 9
Pinangunahan ni Kon. Paul Jom Chua ang pagpupulong para sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko kasama ang Ibaan-PNP at Traffic Enforcers para sa darating sa Kapistahan ni Poong Santiago sa July 25, 2016.

July 22, 2016 | Lala E. Esmana

Bilang paghahanda sa darating na selebrasyon ng kapistahan ng Poong Santiago, ang lokal na pamahalaan sa bayan ng Ibaan, sa pamumuno ng Acting Minicipal Mayor at Konsehal ng Bayan Paul John Chua ay nagpulong sa tanggapan ng Punong Bayan, July 21, 2016 alas nuwebe ng umaga.

Dumalo sa pagpupulong si Police Officer Oliver Ilagan ng Ibaan MPS, Pangulo ng Barangay Police G. Lolito Panopio ng Poblacion at mga kasamahan mula sa ibang barangay, at Traffic Enforcer Marianita Blay para sa pagsasa-ayos ng trapiko sa gaganaping prosisyon.

preparations for feast of saint james 2016 ibaan batangas paul john chua ibaan traffic enforcers 10preparations for feast of saint james 2016 ibaan batangas paul john chua ibaan traffic enforcers 11preparations for feast of saint james 2016 ibaan batangas paul john chua ibaan traffic enforcers 12preparations for feast of saint james 2016 ibaan batangas paul john chua ibaan traffic enforcers 13

Bago pa man ang isasagawang prosisyon ay magkakaroon muna ng misa sa Patio ng simbahan sa ganap na alas kuwatro ng hapon. Pagkatapos nito, ang mga sasama sa prosisyon ay lalabas sa gate at tatahakin ang kahabaan ng Santiago St. patungo sa kalye ng Yabyabin St. at lalabas naman sa kalye ng Hernandez St. Pagkalabas sa nasabing kalye ay iikot naman sa tapat ng Queen Mary Hospital at tatahakin ang kahabaan ng J. Pastor St. hanggang sa makarating muli ng simbahan.

Ang mga malalaking trak na patungong Rosario ay pansamantalang hihinto at hindi pwedeng dumaan habang may prosisyon. Samantalang ang mga jeep naman patungong Rosario ay dadaan sa alternate route na papuntang Palindan.

May mga nakatalagang traffic enforcer at pulis sa bawat kalye na dadaanan ng mga kasama sa prusisyon upang umagapay sa mga makikiisa sa kapistahan.

Ang Pista ng Poong Santiago ay gaganapin sa Hulyo 25, 2016.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s