Higit sa 600 drug users at pushers, sumuko

July 20, 2016 | Lala E. Esmana

Higit na sa 600 na pinagsamang bilang ng drug users at pushers ang sumuko na sa Ibaan – PNP mula nang ipatupad ang OPLAN TOKHANG na isa pangunahing programa ng pamahalaan upang mapigilan ang talamak na ipinagbabawal na gamot. Ang nasabing bilang ay base sa update ng pulisya noong Biyernes, July 22.

Ayon kay Police Senior Inspector Ricaredo Dalisay, hepe ng Ibaan MPS, patunay ito na epektibo ang nasabing programa. Natutuwa rin umano siya na marami ang nagnanais na magbagong-buhay, ganun na rin ang umiwas sa droga.

Ang “tokhang” ay hango sa mga salitang Cebuano, tok na ang ibig sabihin ay toktok at hangyo na ang ibig sabihin naman ay pakiusap.

Pinangunahan ng hepe ng kapulisan sa bayan ng Ibaan na si Chief Police Senior Inspector Ricaredo D. Dalisay at mga kasamahan ang pangangatok sa bahay ng mga pinaghihinalaang drug personalities. Nagsagawa din sila ng mga seminars sa bawat barangay upang ipabatid sa mga mamamayan ang maaaring masamang kahinatnan ng pag gamit ng droga. Ipinabatid din sa kanila ang mga gumagamit nito ay maaring kusang loob na sumuko sa kanilang tanggapan.

Ganun pa man, mayroon pa rin umanong mga hindi pa sumusuko na nakatala sa kanilang watch list, dahilan upang patuloy ang kanilang ginagawang pagmo-monitor sa mga ito.

Ang mga sumuko ay lumagda sa Voluntary Surrender Form na nagpapatunay na sila ay hindi pinilit, nanumpa na hindi na muling gagamit ng droga at pumayag na sumailalim sa monitoring ng mga opisyal ng pulis upang masigurado na sila ay nagbago. Wala namang kasong isasampa sa kanila.

Bagamat mayroon pa ring nahuhuli sa aktwal na paggamit o pagbebenta ng droga sa Ibaan, umaasa at nananalangin pa rin  sya na hindi na umabot pa sa punto na kailangan nilang gamitin ang kanilang armas na maaaring humantong sa pagkitil ng buhay ng isang drug personality.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s