Bagong VSR School Building Sa Mabalor-Catandala ES, Pinasinayaan

catandala mabalor new school buiding 2016 4
Ang bagong two-storey Vilma Santos-Recto Type School Building sa Catandala-Mabalor Elementary Schoo na pinasinayaan noong July 15, 2016.

July 18,2016 | Lala E. Esmana

Naging maganda ang pagsisimula ng school year ng Mabalor-Catandala Elementary School dahil na rin sa isinagawang opisyal na pagpapasinaya ng bagong Vilma Santos-Recto Type School Building, July 15.

 

Nagmula ang pondo ng gusali na nagkakahalaga ng P12.4 milyon sa Supplemental Budget ng Batangas Provincial Government na inilaan sa huling taon ng panunungkulan ni Gov. Vilma Santo – Recto. Nagsimula naman ang konstruksyon nito noong Oktubre 2015 at natapos noong Mayo 2016.

Ang dalawang palapag na gusali ay mayroong sampung kwarto, anim dito ay inilaan bilang silid aralan. Ang natitirang apat naman ay inilaan para sa Clinic, Stock Room, Guidance Room, at Laboratory Room.

catandala mabalor new school buiding 2016 2
(Mula kaliwa) Catandala-Mabalor ES Principal Pia Arriola, Mabalor Barangay Chairman Roderick Rabano, G. Danny Marasigan, Catandala Barangay Chairman Jose Bicol, at Kon. Paul John Chua.

Sa unang palapag ng gusali ay matatagpuan ang ang tatlong silid aralan para sa mag aaral ng una hanggang tatlong baitang, ganon din ang Clinic at Stock Room. Sa ikalawang palapag naman ang ikaapat hanggang ikaanim na baitang, kasama ang Guidance Office at  Laboratory Room.

Hindi maipaliwanag ang kasiyahan ng mga guro, mag-aaral at mga magulang, lalong lalo na ang Punog Guro ng eskwelahan na si Gng. Pia Arriola na siyang nagpursige upang maisakatuparan ang nasabing gusali. Pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang naging katuwang sa pagtaguyod nito, lalung-lalo na ang mga stakeholders.

catandala mabalor new school buiding 2016 3
Pinangunahan nina Kon. Paul John Chua, Principal Pia Arriola, Catandala Brgy. Chairman Jose Bicol, Mabalor Brgy. Chairman Roderick Rabano ang ribbon cutting para sa bagong gusali.

Dumalo sa maikling programa ng pagpapasinaya si G. Kennedy Dela Rosa na nagsisilbing Chief Executive ni Gov. Dodo Mandanas. Sa kanyang talumpati, binati niya ang Ibaan bilang isa sa mga bayan may mataas na kalidad ng edukasyon sa buong probinsya ng Batangas dahil na rin sa mga parangal na nakukuha nito sa mga patimpalak ng iba’t ibang ahensya.

At bilang patunay ng patuloy na pagsuporta, kasama si Gov. Mandanas, nangako siya na gagawin ang lahat upang mabigyan ng WiFi ang paaralan upang higit na matulungan ang mga mag-aaral at mga guro.

catandala mabalor elementary school building 2016
Kon. Edward De Castro, Kon. Paul John Chua, Principal Pia Arriola, Kon. Juvy Mendoza, at Kon. Cesar Marasigan kasama ang iba pang Punong Guro ng iba’t ibang public elementary schools sa bayan ng Ibaan.

Nagbigay din ng mensahe ang Acting Municipal Mayor at Konsehal ng bayan ng Ibaan na si Kon. PJ Chua.

” Ingatan ang paaralan sapagkat ito ay magandang pundasyon para sa ating kinabukasan”, aniya.

Dumalo din ang iba pang Punong Guro ng elementary schools sa Ibaan. Dumating din bago magtapos ang programa sina Kon. Cesar Marasigan, Kon. Juvy Mendoza, at Kon. Edward De Castro.

Click here for more photos. | Photos by Aron Paul Minas

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s