Libreng training sa wastong pag-aalaga ng baboy, isinagawa

 

July 15, 2016 | Mark Lacsamana

Sa pagtutulungan ng Office of the Mayor at Municipal Agriculture Office na pinamumunuan ni Municipal Agriculturist Ethel Joy Caiga-Salazar, isang libreng pagsasanay na may titulong “Pig Management And Waste Management Seminar” ang isinagawa sa tulong ng International Training Center For Pig Husbandry (ITCPH), July 15, na dinaluhan ng 48 magba-baboy sa bayan ng Ibaan.

Sa pagsasanay, ipinaliwanag ni Gng. Amy Eguia, OIC ng Career Development and Management Services ng ITCPH,   ang iba’t ibang lahi at katangian ng baboy tulad ng land race, large white, durok boar, berkshire boar, hamshire boar, pietrain poar, at meishan sow.

Ayon pa sa kanya, ang pagpili ng bulugang baboy ay isinasagawa kapag ang mga ito ay nasa edad apat hanggang anim na buwan. At sa pagpili ng gagawing barako o inahin, mabuting pamantayan ang pagiging hindi piki o sakang ang baboy. Hindi rin umano dapat lupaypay ang ulo ng baboy kapag naglalakad at nasa tama ang taas ng mga paa.

Dinagdag pa kay Gng. Eguia na ang isang bulugang baboy ay pwede nang gamitin kung ito ay may edad na 7.5 na buwan. Ang nasabing bulugan ay dapat may kakayahan ng sumampa sa inahing baboy, maganda ang kalidad at bilang ng semilya, at may tamang libido.

pig sem8
Kon. Julius Panaligan.

Ipinaliwanag naman ni Dr. Theodoro Galvan, ITCPH Training Specialist, na ang mga kadalasang nagiging sakit ng baboy ay ang pagtatae, sipon, at lagnat.

Dinagdag pa niya na upang  maiwasan ang ganitong sakit, dapat ay may tamang pagpapaligo, panatilihing malinis ang kulungan, at regular na pagpupurga.

Huli namang tinalakay ni G. Rony Mercado, na isa ring Training Specialist ng ITCPH, ang mga ibang pamamaraan ng animal waste management tulad ng Gravity Sedimentation, Anaerobic Processes, Natural Systems, Land Application, at Mortality Composting.

 

ibaan pig and waste management seminar mati guerra ethel joy caiga salazar ibaan municipal agriculture office 2016
Kon. Mati Guerra

Dumalo rin sina Kon. Julius Panaligan, Chairman ng Committee on Agriculture ng Sangguniang Bayan, kasama ang mga miyembro na sina Kon. Mati Guerra at Kon. Turing Maputi. Lahat sila ay nagpahayag ng suporta para sa mga partisipante, kasama ang panalangin na maging matagumpay ang pagsasanay.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Kon. Mati Guerra nawa ay higit pang mapalawak ng nasabing pagsasanay ang kaalaman ng mamamayan ng Ibaan tungkol sa pag-aalaga ng baboy, ganun din ang wastong pagre-recycle ng dumi ng baboy.

ibaan pig and waste management seminar turing maputi ethel joy caiga salazar ibaan municipal agriculture office 2016 1
Kon. Turing Maputi

Ayon naman kay Kon. Turing Maputi, malaking tulong ang pagsasanay upang maiwasan ang di pagkakaunawaan ng magkakakapit-bahay na kadalasang nagmumula sa hindi maayos na pag-aasikaso ng dumi ng baboy na nagdadala ng masamang amoy.

Para naman kay Kon. Julius Panaligan, tamang-tama ang nasabing pagsasanay dahil na rin sa pag-aalaga ng baboy ang hanap-buhay ng maraming mamamayan ng Ibaan.

 

 

Sa pagtatapos ng seminar, matapos na pasalamatan ang mga partisipante, inanyayahan ni Municipal Agriculturist Ethel Joy Caiga-Salazar ang lahat na muling makilahok sa susunod na “Meat Processing Seminar” na gaganapin sa Agosto 2 – 3, 2016. Kailangan lamang ay magpalista sa kanilang tanggapan upang mas maging maayos ang preparasyon para sa nasabing seminar.

 

Click here for more photos.

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s