Curfew sa Ibaan, ipinatupad

July 14, 2016 | Lala E. Esmana

Nagmula sa Municipal Ordinance 2014-09 ng Code of General Ordinances, muli at mahigpit nang ipapatupad ang “curfew” kung saan direkta itong nakatuon sa kaligtasan ng mga menor de edad sa bayan ng Ibaan.

Ang nakatakdang oras ng kurpyo ay simula alas- diyes ng gabi (10:00pm)  hanggang alas kuwatro ng umaga (4:00am).

Nakapaloob sa ordinansang ito na ang mga menor de edad o disiotso pababa ay hindi na maaring pumunta sa lahat ng pampublikong lugar o malayo sa lugar ng kanilang tirahan. Papayagan lamang sila na pumunta sa mga nabanggit na lugar kung sila ay kasama ng kanilang magulang o nangangalaga sa kanila.

Ipinagbawal din ang pagtambay ng mga menor de edad sa mga establisimyento maliban lamang kung sila ay empleyado o miyembro ng may ari o nagpapatakbo ng nasabing establisimyento.

Papayagan din ang isang menor de edad na lumabas ng kalsada kung may kasulatan mula sa magulang, guardian, kamag-anak na sila ay inuutusan ngunit pagkatapos na isagawa ang utos ay hindi sila pwedeng gumala. Ganun din kung ang nasabing menor de edad ay galing sa trabaho at pauwi na ng kanilang bahay.

Ang nasabing ordinansa na rin ang susundin ng mga barangay na ipapatupad naman ng mga Barangay Tanod o Barangay Police.

Ang Punong Bayan, Hepe ng Pulisya at Punong Barangay maaring magbigay ng curfew pass na kung saan ito ay epektibo lamang sa nasasakupan ng barangay na nagbigay ng curfew pass.

May multang limandaang piso sa unang paglabag sa  ordinansa ang mga magulang o guardian ng curfew violator at sa pangalawang paglabag naman ay may multang isang libong piso.

Nakatakda di sa ordinansa na dadalhin sa Municipal Social Welfare And Development Office ang mga kabataang mahuhuling lalabag dito para sa counseling at pagpapayo.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s