Ibaan Product Branding And Packaging Seminar

DSC_0789

Upang matulungan ang mga maliliit na negosyante na maipakilala sa merkado ang kanilang produkto o serbisyo sa bayan ng Ibaan, Batangas, isang seminar ang isinagawa sa Ibaan District Hall, June 27.

Sumesentro sa tema ng “product branding and packaging”, tinalakay ang mga pamamaraan kung paano mas higit na maitaas ang pagkakakilanlan sa isang produkto ng sa ganon ay magkaroon din ng pagkakataon na makipag-sabayan sa iba pang katulad na produkto na kasalukuyan nang matatagpuan sa merkado.

DSC_0841
Isa sa mga nakilahok sa seminar na matamang nakikinig tungkol sa tamang “packaging” ng produkto.

Ayon sa tagapagsalita ng nasabing seminar, napakahalagang bagay ang ginagampanan ng “packaging” sapagkat ito ang nagre-representa ng produkto na nasa loob. Ilang elemento umano ang dapat na isaalang-alang sa paggamit o pagkakaroon ng packaging tulad ng materyales, sukat, kulay, letra, larawan at iba pa.

Pagdating naman sa branding, marapat umano na mayroong brand mark, brand name, tag line at iba pa na makakatulong sa pagbuo sa isipan ng mga mamimili ng inaasahang positibong impresyon at pagkilala sa isang serbisyo o produkto.

Ang nasabing seminar ay isa lamang sa maraming programa ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan upang matulungan na maitaas ang antas ng pakikipag-kalakalan lalo na ang mga maliliit na negosyante. Nabuo ang mga programa sa ilalim at sa pamamagitan ng Bottom-Up-Budgeting program ng pamahalaan.

DSC_0830
Ang tagapagsalita ng seminary mula sa DTI.

Ilan sa mga nakilahok sa nasabing seminar ay mga magsasaka ng Ibaan na may mga produkto tulat ng honey bee, salabat tea, at iba pang processed foods.

Magkasamang itinaguyod ng Municipal Agriculture Office at Office of the Mayor ang seminar na sinuportahan naman ng Department of Trade and Industry Regional Office.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s