St. Valens College of Business and Arts, nagtala ng 140 K-12 bilang ng estudyante

SAINT VALENS COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS CHUA BUILDING IBAAN BATANGAS NORELYN BATUGAL IBAAN K12 EDUCATION 1
St. Valens CBA Assistant School Head Ms. Norelyn Batugal

Hulyo 12, 2016 | Mark Lacsamana and Lala Esmana

Sa pagsisimula ng pasukan para sa taong 2016, nakapagtala ang St. Valens College of Business and Arts ng 140 bilang ng estudyante na Senior Highschool para sa kanilang ABM at GAS sa ilalim ng K-12 Education System ng ipinatutupad ng Department of Education.

Ayon kay Ms. Norelyn Batugal, Assistant School Head ng nasabing paaralan, hindi man nila nakuha ang inaasahang 100 bilang nga estudyante para sa Accountancy and Business Management (ABM) strand, lubos pa rin ang kanilang pasasalamat sa 92 estudyante na nag-enroll sa kanila. Bukod pa diyan ang 22 estudyante para naman sa General Academic Strand (GAS). Mayroon pa rin umano silang 26 na estudyante para sa kursong Bookkeeping. Karamihan umano sa mga ito ay nagmula sa Dr. Juan A. Pastor Memorial National Highschool (DJAPMNHS).

SAINT VALENS COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS CHUA BUILDING IBAAN BATANGAS NORELYN BATUGAL IBAAN K12 EDUCATION 7

Sa paniniwala ni Ms. Batugal, malaking tulong ang pagkakaroon nila ng suporta mula sa Department of Education sa pamamagitan ng Voucher Program na siyang maaaring pangunahing dahilan upang mag-enroll sa kanila ang mga estudyante. Sa nasabing programa, binibigyan ng suportang pinansyal ang isang estudyante ng DepEd na siya namang ibibigay ng huli sa paaralan kung saan nag-enrol ang estudyante.

Upang masiguro ang kalidad ng turo sa kanilang paaralan, pangunahing pamantayan nila sa pagkuha ng mga guro ay ang pagiging LET passer, may karansan na sa pagtuturo at mayroong sapat na kaalaaman sa mga kursong ituturo o kaya naman ay mayroong National Certification mula sa TESDA.

SAINT VALENS COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS CHUA BUILDING IBAAN BATANGAS NORELYN BATUGAL IBAAN K12 EDUCATION 10

Sa kasalukuyan, mayroon silang tatlong guro base sa bilang ng kanilang estudyante at sa mga strands kung saan nag-enroll ang mga ito.

Para naman matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante, mayroong pasilidad ang paaralan tulad ng Science Room, Computer Laboratory, at tatlong silid-aralan.

Bagamat opisyal nang nagsimula ang kanilang, umaasa pa rin si Ms. Batugal na mayroon pang mag-eenrol sa kanilang paaralan, ganun din ang pag-asa na madagdagan pa ang kanilang tracks sa susunod na taon.

Ang St. Valens CBA ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Chua Building, sa tapat ng Ibaan Municipal Hall.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s