Senior Citizens, muling tumanggap ng social pension

mayor danny toreja ibaan social pension july 2016 4

July 4, 2016 | Mark Lacsamana

Muli na namang nakatanggap ng pension ang mga senior citizen ng bayan ng Ibaans a ilalim ng “Social Pension Payout For Senior Citizens Program” ng DSWD na ipinatutupad ng Ibaan Municipal Social Welfare and Development Office.

Related Article: Senior Citizen Muling Tumanggap Ng Social Pension

Hinati sa tatlong araw ang pamamahagi ng social pension sa mga benepisaryo mula sa iba’t ibang barangay. Inilaan ang mga sumusunod na petsa para sa mga benepisaryo:

  • July 4, 2016 – Catandala, Mabalor, Panghayaan, Bago, Poblacion, Quilo, at Sabang;
  • July 5, 2016 – Balanga, Dayapan, Sandalan, Lucsuhin, Calamias, Tulay, Talaibon, Matala, Munting Tubig, Pangao, at San Agustin;
  • July 7, 2016 – Palindan, Lapulapu, Malainin, Salaban 1, Salaban 2, at Sto. Nino
mayor danny toreja ibaan social pension july 2016 3
Sa na mismo ng senior citizen dadalhin ang kanilang social pension payout sa susunod Setymebre, ayon kay Gng. Digna Cortez ng MSWD.

Ipinahayag naman ni Gng. Digna Cortez ng Ibaan-MSWD na dadalhin na mismo sa bahay ng mga beneficiary ang kanilang social pension ng mga kinatawan ng nasabing ahensya. Ito ay upang masiguro na ang senior citizen mismo ang makakatanggap ng kanilang social pension. Ipatutupad ito sa susunod na quarter o sa darating na buwan ng Setyembre. Naaayon na rin ito sa kautusan ng DSWD.

Ang Social Pension Pay out for Senior Citizen ay isang programa ng Department of Social Welfare and Development(DSWD), na pinatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan para tulungan ang mga Senior Citizens na may edad 65 pataas na makatanggap ng pension sa halagang P1,500 kada tatlong bwan.

mayor danny toreja ibaan social pension july 2016 1
Ipinaliwanag ni Mayor Danny Toreja sa senior citizens and kanyang patuloy na pakikipag-usap sa DSWD upang madagdagan ang bilang ng beneficiary ng social pension sa bayan ng Ibaan.

Sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs na mayroong Chapter sa bawat barangay, ang bawat barangay ng Ibaan ay hinihingan ng listahan na may edad 65 pataas. Ibibigay ang listahan sa Municipal Social Welfare na siya naman magpapasa nito sa DSWD Regional Office. Ang DSWD Regional Office naman ang mag-aapruba ng mga pangalan na siyang magiging benepisaryo ng social pension.

Kung sakali man na hindi maaprubahan ang pangalan ng isang senior citizen, mananatili ang pangalan niya sa listahan habang hinihintay ang panibagong “slot” na ibibigay ng DSWD Regional Office upang maging social pensioner.

Sa kasalukuyan, tumaas na sa 1,115 ang bilang ng mga senior citizen na tumatanggap ng social pension. At bagama’t nasa huling termino na ng kanyang pamumuno si Mayor Danny Toreja, patuloy pa rin siya sa pakikipag-usap sa DSWD Regional Office upang madagdagan pa ang “slot” o bilang ng mga senior citizen sa bayan ng Ibaan na makakatanggap ng social pension. At nitong nagdaang taon, nagsumite na ng sulat pakiusap sa DSWD Regional Office si Mayor Toreja para sa karagdagang 2,000 slots para ma-accommodate ang mga hindi pa napapabilang na senior citizen bilang social pensioner.

Inaanyayahan din ang mga mayroong miyembro na senior citizen sa kanilang pamilya o ang mga senior citizen mismo na makipag-ugnayan sa pamunuan ng Office of the Senior Citizen Affairs Chapter sa kanilang mga barangay para sa iba pang mga impormasyon tungkol dito. Maaari din silang magtungo sa opisina mismo ng Ibaan Office of the Senior Citizens Affair na matatagpuan sa gusali ng Sangguniang Bayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s