“NO PARKING”, Mahigpit Nang Ipatutupad

no parking zone ibaan batangas psi ricared dalisay ibaan pnp chief mayor danny toreja 3
Kaliwang bahagi ng kalye patungong Brgy. Sandalan.

July 8,2016| Lala E. Esmana

Mahigpit nang ipatutupad ng Ibaan – PNP, katulong ang mga traffic enforcers, ang “NO PARKING” ordinance sa pangunahing kalye sa bayan ng Ibaan.

Ayon kay Ibaan-PNP Chief SPI Ricaredo D. Dalisay, ang paglalagay nila ng mga pintura ng “No Parking” sa kalye ay base sa Municipal Ordinance 2014 – 09 ng Code of General Ordinance kung saan naatasan sila na ipatupad ito.

Sakop ng nasabing ordinansa ang mga sumusunod na lugar sa Poblacion kung saan ipinagbabawal ang pagparada ng sasakyan mula alas-sais ng umaga (6:00am) hanggang alas-syete ng gabi (7:00pm):

  • From the corner of JP Rizal Avenue,on the right side of Santiago Street in front of Medrano Plaza going to St.James Hospital
  • Municipal road and streets by ten-wheeler truck or more and other heavy equipment
  • Right side of Rizal Avenue from water tank to exit gate of St.James Parish Church
  • Rotonda in front of Ibaan Central School
  • Rotonda going to Palindan and Batangas City f.Along J.Pastor St. from Rizal Avenue to Public Cemetery

no parking zone ibaan batangas psi ricared dalisay ibaan pnp chief mayor danny toreja 1

Kaakibat ng nasabing ordinansa ang katumbas na kaparusahan o multa sa bawat paglabag nito. Ang halaga ng multa ay ang mga sumusunod:

  • Unang Paglabag – P500.00
  • Pangalawang Paglabag – P1,000.00
  • Pangatlong Paglabag – P1,500.00

Aabot naman sa P2,500.00 multa ang ipapataw sa mga mahuhuling “colorum” o mga walang prangkisa lalo na ang mga tricycle.

Kasabay nito, itinalaga ang kaliwang bahagi ng Santiago Street bilang himpilan ng mga tricycle na bumibiyahe patungong Palindan – Salaban 2.

Dagdag pa ni PSI Dalisay, magsasagawa sila ng daily monitoring upang masiguro ang pagtuloy na pagpapatupad nito. Layunin ng kanyang ahensya na mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa daloy ng trapiko lalong higit sa mga panahon ng tinatawag na “rush hour”.

no parking zone ibaan batangas psi ricared dalisay ibaan pnp chief mayor danny toreja 4

Ang nasabing ordinansa ay para sa mga pribado, pampubliko at pambiyaheng sasakyan. Maging ang mga kawani ng pamahalaang bayan ng Ibaan na lalabag dito ay mahaharap sa ipapataw na mula sa paglabag nito.

Nagpahatid na rin ng panawagan si SPI Dalisay sa lahat na sana ay sundin ang nasabing ordinansa. Bagamat mayroong ordinansa para dito, kooperasyon at pakikipagtulungan pa rin ng mamamayan ang susi upang matagumpay na maipatupad ito.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s