Bagyong Butchoy, Pinaghandaan

July 8,2016 | Lala E. Esmana

Pinaghandaan ng Lokal na Pamahalaan ng Ibaan ang bagyong Buchoy sa ilalim ng tanggapan ni Municipal Administrator Atty.Trevin Castillo, kaagapay ang Loacal Disaster and Risk Reduction Management Council sa pangunguna ni Gng. May Bagui, kung saan nagpulong ang mga Department Heads, July 8, alas onse ng umaga.

Sa umpisa ng pagpupulong,inilahad ni Gng. May Bagui na nasa Yellow Level pa lamang ang buhos ng ulan bandang alas sais ng umaga, subalit tumaas ito sa Orange Level pagdating ng alas-otso ng umaga. Ibig sabihin umano nito ay lumalakas na o dumarami na ang pagbagsak ng ulan. Dahilan aniya ito upang hindi pa rin nagdedeklara ng pagsuspinde ng mga klase.

At dahil sa patuloy na paglakas ng ulan, base sa deklarasyon ng Batangas Provincial Information Office, ipinag-utos na ni Gov. Hermiland I. Mandanas ang pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas, pribado man o pampubliko, sa buong probinsya ng Batangas. Agad naman itong ipinarating sa mga paaralan at barangay na nasasakupan ng bayan.

Bagamat wala namang signal ng bagyo ay kinakailangan pa rin umano na maging handa ang lahat dahil na rin sa hindi masiguradong panahon. Kaya naman ipinag-utos na sa mga concerned units ng pamahalaan ang paghahanda ng mga kagamitan tulad ng generator, power saw at grader na maaring kailanganin ng mga lugar na matinding maaapektuhan ng bagyo. At dahil nga darating ang Sabado at Linggo kung saan walang pasok ang mga empleyado, hiniling na manatiling handa ang lahat kung sakali man na magkaroon ng biglaang pangangailangan ng kanilang serbisyo.

Sinigurado din ang pagkakaroon ng sapat na medical supplies sa Health Center.

At para masuportahan ang mga pangangailangan, hiniling na ihanda na rin ang pondo na nakalaan sa Local Disaster Council.

Binigyang abiso na rin ang mga barangay officials na maging mapagmatyag sa kanilang nasasakupan at direktang makipag-ugnayan sa Local Disaster Council para sa mabilis na na pagresponde sa anumang peligrosong kaganapan.

Samantala, ayon pa rin sa paglalahad ni Gng. Bagui, madaling araw pa lamang ay mayroon nang naiulat na bumagsak na puno sa likod ng palengke. Naisaayos na rin umano ito sa pangunguna ni Municipal Engineer Lalen Salagubang.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s