Mga Proyektong Pangkaunlaran Ng Pamahalaang Bayan Ng Ibaan Para Sa Taong 2015-2016, Tinalakay Ng LPRAT

July 4, 2016 |  Lala E. Esmana,

Nagsagawa muli ng pagpupulong ang mga miyembro ng Local Poverty Reduction Team o LPRAT upang repasuhin at magbigay ng ulat hinggil sa estado ng mga proyekto at programang pang-kaunlaran na ipinatutupad at ipapatupad ng pamahalaang bayan ng Ibaan sa pamumuno ni Mayor Danny Toreja, June 24. Ang mga proyekto ay magkasamang pinaglaanan ng pondo ng munisipyo at ng pamahalaang nasyunal.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni DILG Officer Gng. Lorna M. Silva na dinaluhan nina Mayor Juan “Danny” V. Toreja kasama ang tatlong signatories ng Civil Society Organization na sina Roseni C. Real ng Matala Women’s MPC, G. Luis P. Gamboa ng Ibaan federation of Farmers Asso. at Parent Leader Gng. Angelina E. Tejada. Kasama din sa pagpupulong ang iba pang repesentante mula sa iba’t ibang sektor ng na bumubuo ng civil society organizations.

Naging panauhin naman sa pagpupulong ang DILG Community Mobilizer mula sa DILG Region IV-A  na si Gng. Marilou Tapia.

Tinalakay sa pagpupulong na ito ang mga proyektong isinakatuparan sa ilalim ng BUB o Bottom Up Budgeting ng taong 2015. May sampung proyekto ang naaprubahan para sa bayan ng Ibaan tulad ng mga sumusunod:

  • Barangay Based Agri- Fishery Training for Small Stakeholders of Ibaan – P800,000.00 para sa tanggapan ng Agrikultura
  • Establishment of Ibaan Organic Trading Post
  • Farming Inputs Subsidy for Small Stakeholders of Ibaan – P500,000.00
  • Infrastructure Support to Agricultural Production
  • Procurement of Three Units of Rice Reaper for Use of Rice Farmers of Ibaan, Batangas – P500,000.00
  • Organic Fertilizer Production Through Vermicomposting Project  for Small Holder Farmers of Ibaan -P500,000.00
  • Provision of Farming Implements/ Tools and Equipment ( One Stop Shop ) – P500,000.00.
ibaan batangas local poverty reduction action team mayor danny toreja 1
Ipinakita ni Muncipal Agriculturist Ehtel Joy Caiga – Salazar ang mga proyekto na nasa ilalim ng kaniyang opisina.

May mga proyekto ding inilaan sa DILG ang Construction of Drainage na pinondohan ng 2M. para sa DEPED ang Repair of Three Classroom School Building ( Gabaldon Bldg. ) 2,500,000 na ngayon ay nakatayo na at pinakikinabangan na ng eskwelahan sa Ibaan Central School.

Mga proyekto para sa tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD):

  • Self Employment Assistance – Kaunlaran (SEA-K) livelihood projects  – P950,000.00
  • Sustainable Livelihood Program ( net bag making) – P2,000,000.00

Samantala, may sampu namang proyekto ang pinaglaanan ng pondo ngayong taong 2016 tulad ng mga sumusunod:

  1. Sustainable Livelihood Program (Weaving Project For Brgy. Munting Tubig Weavers) – P1,000,000.00
  2. Aid to Individuals and Families in Crisis Situation- P3,200,000.00
  3. Special Services for Older Persons (Financial Assistance for Indigent Senior Citizens) – P1,000,000.00
  4. Support to Rice Production Mechanization: Provision of 3 Units of Rice Reaper – P500,000.00
  5. Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disavantaged/ Displaced Workers (TUPAD)- P2,000,000.00
  6. Construction of Faculty Room – P1,200,000.00
  7. Procurement of Rescue Vehicle for Disaster (Backhoe and 6 wheeler truck) – P3,100,000.00
  8. Provision For Level III Potable Water Supply – P2,000,000.00
  9. Provision For Potable Water Supply (Spring Development) – P1,000,000.00

Ayon ky Gng.Lorna  Silva sa siyam na proyektong nabanggit, apat na lamang ang hindi pa naisasakatuparan. At ayon pa din sa kanya, mula sa pondong 500,000 ng Infrastrucrure Support to Agricultural Production ( Procurement of Three Units of Rice Reaper for Use of Rice Farmers of Ibaan ay may natitirang pondong P113,430.00 at napagkasunduan na ang nasabing natitirang pondo ay gagamitin sa pagbili ng karagdagang kagamitan para sa mga magsasaka. Pinagtibay ang nasabing kasunduan sa pamamagitan ng isang resolusyon na sinang-ayunan at nilagdaan ng lahat ng dumalo.

Nagsagawa na rin ng resolusyon na humihiling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mabilisang pagre-release ng pondo sa pamamagitan ng Bottom-Up-Budgeting para sa mga proyektong unang nabanggit tulad ng:

  • Sustainable Livelihood Project For Brgy. Munting Tubig Weavers – P1,000,000.00
  • Aid To Individuals And Families In Crisis (AICS) – P3,200,000.00
  • Special Services for Older Persons (Financial Assistance for Indigent Senior Citizens) – P1,000,000.00

Bukod sa mga nabanggit na proyekto, naglaan din ng halagang P1,000,000.00 para naman sa upgrading ng slaughterhouse na ipatutupad naman ng munisipyo.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s