Mga Bagong Halal Na Opisyales Ng Ibaan 2016

Ayon sa Commission of Elections ng Bayan ng Ibaan, nanguna pa rin ang si Mayor Juan “Danny” Toreja ng Liberal Party na nakakuha ng botong 15234 samantalang ang kanyang katunggali na si G. Reming Hernandez ng National Unity Party ay nakakuha ng botong 13649 sa buong Ibaan.

Sa labanan naman ng Bise Alkalde nanguna naman si Bb. Edralyn Joy Salvame ng National Unity Party na nakakuha ng botong 15339 at ang kanyang katunggali na re-electionist na si Bise Alkalde na si Sixto Yabyabin na nakakuha ng 13052 na boto.

At ang mga konsehal naman na maswerteng nakapasok na top 8 na nanguna si Kon. Paul John Chua ng Liberal Party (LP) na may botong 14471, pumangalawa naman si Jullius Panaligan ng (LP) na may botong 14404, sumunod naman ay ang nag-iisang babae na si Kon. Juvy Mendoza ng National Unity Party (NUP) na may botong 14257, ang ikaapat naman na nakapasok ay si  Cesar Marasigan ng (NUP), Ikalima naman ay si Mateo Guerra ng (NUP) na may botong 12441, Ikaanim naman si  Edward De  Castro NG (NUP) na boto na 11909, ang ikapito naman ay si Kon. Socrates Arellano ng (LP) na may botong 11337, at ang panghuli naman na nakapasok sa top 8 ay ang nagbabalik na Konsehal na si Victoriano “Turing” Maputi ng (LP) na may botong 11257.

Ang mga hindi naman pinalad na makapasok na pangsiyam ay si Kon. Rodel De Castro ng (LP) na may botong 10833, ikasampu naman si Gerry Arellano ng (NUP) na may botong 10722, ikalabing-isa naman si Claro Magtibay Jr. ng (NUP) na may botong 10390, ikalabing-dalawa naman ay si Armando Gutierrez ng (LP) na may botong 10351, ikalabing-tatlo naman ang dating administrador na si Rico Caringal ng (LP) na may botong 9668, ikalabing-apat naman si Col. Venus De Castro ng (LP) na may botong 9342, ikalabing-lima naman si Redentor Banawa ng (NUP) na may botong 8792, ikalabing-anim naman si Felix Elis Roxas ng (NUP) na may botong 7640 at ang huli naman ay si Alberto Amante na Independent na may botong 2821.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s