IKASAMPUNG TAON NG ERPAT, MASAYANG IPINAGDIWANG

one of ibaan erpat organization receives financial assistance for livelihood program june 24 2016 ibaan batangas mayor danny toreja

June 27, 2016  | Vivian Tin-Tin A. Pasia

Masayang ipinagdiwang ang ika-10 taong pagkakatatag ng Ibaan ERPAT (Enhanced Empowerment And Reaffirmation Of Paternal Abilities) sa pamamagitan ng taunang general assembly bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga “Tatay ng Tahanan” na isinagawa sa Recto Gym, June 24.

May temang “Tatay Ng Tahanan, Gabay Sa Kinabukasan”, opisyal na sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang dasal na pinamunuan ni G. Nick Yabyabin, ERPAT President Matala.

mayor danny toreja erpat celebration ibaan batangas 2016
Mayor Juan “Danny” Toreja

Naging panauhin sa nasabing pagdiriwang sina Mayor Danny Toreja, dating Punong Bayan Boy Chua, 4th District Board Member Jess De Veyra, ganun sina Kon. Paul John Chua at Juvy Mendoza, at ABC President Armando Gutierrez. Pinangunahan din ng mga opisyal ng mga barangay ang miyembro ng ERPAT sa kanilang lugar.

Sa talumpati ni Mayor Danny Toreja, pinayuhan niya ang lahat na pagyamanin ang mga livelihood programs at activities, kasama ang pondo na inilaan sa mga ito, para kapakinabangan ng lahat ng miyembro ng ERPAT sa bawat barangay. Ayon sa kanya, taon-taon ay naglalaan ng pondo ang pamahalaang bayan ng Ibaan bilang suporta sa nauna na at nagnanais na magsimula ng mga livelihood programs sa kanilang barangay.

Masaya din niyang ibinalita na magkakaroon na ng “incubator” ang Municipal Agriculture Office na maaaring magamit ng mga mag-aalaga ng manok upang masigurado ang pagpaparami ng sisiw. Aniya, maaring ilagay sa nasabing incubator ang mga itlog hanggang sa mapisa ang mga ito.

paul jon chuan ibaan batangas erpat celebration 2016 mayor danny toreja
Coun. Paul John Chua

Ibinahagi niya na mayroon siyang inilaang pondo para sa lahat ng mga miyembro ng ERPAT na 720,000.00 na magagamit ng lahat ng miyembro ang pondo kung kinakailangan. Bilang pagtatapos ng kanyang mensahe, ang itinuturing na “Tatay ng Bayan” ay nagpapasalamat sa muling paniniwala at pagsuporta sa kanyang mga adhikain sa bayan ng Ibaan.

Dinaluhan din ng ilang personalidad ang selebrasyong ito, tulad ni dating Punong Bayan Engr. Artemio Chua na kasalukuyang Municipal ERPAT Adviser na naglaan ng 13,000.00 na pa raffle sa mga dumalo. Ayon sa kanya, malaki ang papel na ginagampanan ng mga ERPAT ng tahanan at layunin ng selebrasyong ito ang mabigyang dagdag kaalaman kung ano pa ang mga karapatan nila bilang ERPAT Leader sa kanilang bara barangay. Payo niya na maging malapit sa bawat barangay upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.

Sa mensaheng pagtanggap mula kay G.Zosimo Malata, ERPAT Leader ng Barangay  Sandalan at kasalukuyang ERPAT Federation President ,  Aniya,  “Solid tayong lahat, lahat ay kasama“. Ito ay dahil nabuo ang lahat ng barangay ng Ibaan na sa unang pagkakataon ay  nakadalo ang barangay Dayapan sa pamumuno ni G. Estie Mendoza.

Sa talumpati ni Kon. Juvy Mendoza, Pinayuhan  nya na wag kakalimutang ngumiti o tumawa ng mga ama ng tahanan sa loob ng isang araw. “Laughter is the best medicine” , Aniya.

Nagbigay rin ng mensahe sina ABC President Armando Gutierez na handang tumulong sa abot ng kanyang makakaya sa anumang kailangan at Kon. PJ Chua na hangad na lalong lumago ang samahang ito.

Bagamat hindi nakadalo si Congressman Elect Llanda Bolilia ay nagpaabot naman sya sa pamamagitan ni Hon. Fidel ng pasasalamat sa paniniwala at pagsuporta. Ipinapaabot rin nya na patuloy ang pagtangkilik nya sa bayan ng Ibaan.Nagbigay rin sya ng 10, 000 para sa pa raffle sa mga dumalo at ibinahagi din na may bubuksang district office sa Rosario na tanggapan ng mamamayan ng ika-4 na distrito dahil hangad niya na hindi na mapalayo sa atin.

Nagbigay pugay naman sa mga tinuturing na ERPAT si Board Member Elect Jezz De Veyra at nangakong susuportahan ang programang ito. Pagpapasalamat sa mga taong tumulong at sumuporta sa kanya nag naging pagtatapos ng kanyang mensahe.

Sa kasalukuyan, apat na programa na ang hawak ng  ERPAT, ito ay ang  (1)Livelihood sa Barangay na pagaalaga at pagpaparami ng tagalog na manok (2) Micro Finance Project     (3) Pagpaparami ng honey sa Brgy. Balanga; at (4) Bigasan sa Brgy. Munting Tubig.

Ang mga barangay Balanga, Bungahan, Catandala, Lucsuhin, Mabalor, Palindan, Pangao, Panghayaan, Salaban II, Sto. Nino, Coliat at Munting tubig ay nakakuha ng tulong pinansyal na maghahati hati sa halagang 319,992.oo na aabot sa 26,666.00 kada barangay  na nagsumite ng (1) Financial Statement (2) Resolution; at (3) Project Proposal. Sa kabuuan, 24 barangay na ang nabibigyan ng tulong pinansyal mula taong 2010. Ang barangay Poblacion at Dayapan na lamang ang tanging hindi pa nakakatanggap nito dahil ito ay newly organize pa lamang.

Sa kabuuan, dinaluhan ang selebrasyong ito ng 620 partisipante mula sa ibat ibang barangay. Nagkaroon ng mga pasaya, palaro at mga regalo para sa kanila. Si G. Joel Paner ang naging tagapagsalita ng programa.

Click her for photos:

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s