Saint James Academy, Handa Sa K-12

SAINT JAMES ACADEMY IBAAN BATANGAS K12 EDUCATION VON CHESTER CALABIA DENNIS TOREJA PEREZ MAYOR DANNY TOREJA 12

By: Vivian Tin-Tin A. Pasia

June 20, 2016

Ayon kay G. Von Chester Calabia, Principal of Saint James Academy ang ginawang paghahanda para sa pagsisimula ng SHS sa nasabing eskwelahan ay ang pagrerenovate ng apat na silid aralan at pagbibigay ng pangunahing kinakailangang pasilidad tulad ng aircondition at telebisyon bawat silid aralan.

Nagsimula ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante sa Saint James Academy kasabay ang unang batch  ng mga estudyante para sa Senior Highschool para sa Academic Year 2016 – 2017, June 13.

Ayon sa kanya, mula sa 154 na nakapagtapos sa kanila ay 132 ang muling nagenrol at 30 naman ang galing sa pampublikong paaralan. Sa kabuuan, umabot ng 162 ang nagenrol sa tatlong (3) academic track na mayroon sila. Ito ay ang STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) na may 98 estudyante, ABM (Accountancy, Business Economics) na may 31 estudyante at HUMMS ( Humanities and Social Sciences) na may 33 estudyante. Ayon din sa kanya, mas focus sila sa sa strand na STEM at ABM dahil ayon sa kanyang pagsusuri  ay karamihan sa nakapagtapos sa kanilang paaralan ay sa dalawang academic track na ito pumapasok ang kanilang propesyon. Ang pagbubukas ng kanilang inooffer na academic track ay nakadepende sa kung may mageenrol dito.

Ang malapitang pagabot sa kanilang ineexpect na mageenrol sa kanila ay patunay na maganda ang turn up ng enrollee at maayos ang pagtanggap ng mga magulang sa k-12 dahil sa tamang paghahatid ng impormasyon ukol dito.

Ang naging pamantayan nila sa pagkuha ng guro ay  dapat  nakapagtapos, LET Passer at may kaalaman sa academic track na nabanggit na  naayon sa kanyang propesyon. Bukod sa pagtanggap ng mga nagapply na guro, limang (5) guro ang kinuha nila mula JHS upang magturo sa SHS, isa sa dahilan nito ay nakikita niyang more competent ito dahil nga sa experience na pagtuturo ng hayskul sa sariling paaralan. Hinihikayat din na mild english ang way ng kanilang pagtuturo.

Ayon din sa kanyang pagsusuri, ang dahilan kung bakit karamihan sa nakapagtapos sa kanilang paaaralan ay muling nagenrol sa kanila ay dahil  na instill yung pagmamahal sa mga guro, paaralan at maayos na pasilidad. Kaya inaasahan na patuloy ang pagtaas ng bilang ng SHS na mageenrol dito sa mga susunod pang taon at bilang pagpaplano ay pinaghahandaan nila ang pagtatayo ng building at laboratories bandang kalagitnaan ng taon para sa SHS.

Kumpara sa ibang paaralan, bukas sila sa pagtanggap ng Josefied Marellians, patuloy na bukas ito dahil ayon sa kanya ito ay “education of heart to be more competent and ready to face challenges in life“.

Sa ngayon ay bukas pa rin ang Saint James Academy hanggang sa unang linggo ng Hulyo sa pagtanggap ng mga nagnanais na magaral ng Senior Highschool.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s