Pantawid Pamilya Beneficiaries Validation, Isinagawa!

DSC02775.JPG

By: Vivian Tin-Tin A. Pasia

June 06,2016

Isinagawa ang  “Validation on Pantawid Pamilya Beneficiaries”  sa Recto Gymnasium ng bayan ng Ibaan upang masuri kung sila ay tumutupad sa kondisyon ng programang ito na naaayon sa batas o masasabing “pagrerenew” kung ikaw ay aktibong kasali sa programang ito.  nagsimula ganap na   ika 8:35  ng umaga at nagtapos ng bandang 5:30 ng hapon,June 1.

Ang validation na ito ay naayon sa “Pantawid Pamilya Pilipino Program Act of 2010” na sakop  ang lahat ng aspeto patungkol sa 4ps na may layuning mapabuti ang kalagayang pantao ng ating mamamayan, sakop nito ang kondisyon at pamantayan na dapat ay (1) Residente ng pinakamahihirap na munisipalidad (2) Pamilyang inuuri bilang mahirap (3) Pamilyang may anak na edad 0 hanggang 18 taong gulang at/o mayroong buntis noong panahong sila ay nagaapply; at (4) Pamilyang nangakong tutuparin ang mga kondisyong inilatag na programa. Upang makakuha ng tulong pinansyal kailangang tumupad ang bawat pamilya sa mga kondisyon ng pamahalaan.

Isinagawa ito sa tulong ng regional DSWD Office kasama ang Ibaan Municipal Social Welfare Office na pinamumunuan ni Gng. Irene Torres.

Ang proseso ng “validation” na ito ay ang pagsusuri ng mga DSWD staff sa mga requirements na kailangan tulad ng (1) Birth Certificate (2) 2×2 pictures (3) Pantawid Pamilya ID’s; at (4) Marriage Contract. Ang paghahati hati sa bawat barangay ay ginawang by cluster na sinimulan ang unang batch/pangumaga ng bandang 8:35  hanggang 12:00 ng umaga at ang pangalawang batch naman ng panghapon ay ipinagpatuloy bandang 1:00 at natapos ng 5:30 ng hapon.

Kasama din rito ang 71 na OTC ( Over-the-Counter) beneficiaries ng ibat ibang barangay ng Ibaan na kailangang lagdaan ang Landbank Cash Card/ Prepaid Card Enrollment Form upang makakuha sila ng LandBank atm card.

Ang bawat barangay leader ay responsible sa pagchecheck ng attendance ng kanilang kabaranggay at binibigyang prayoridad ang mga buntis, PWD at Senior Citizen.

__________________________________

Vivian Tin-Tin A. Pasia is one of the participants of Special Program for Employment of Students (SPES) of the Municipal Government of Ibaan, Batangas. She is assigned as one of the writers of Public Information Office.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s