Special Program for Employment of Students (SPES) 2016

special program for employment of students municipality of ibaan batangas mayor danny toreja spes 2

Ang Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Ibaan katulong ang Department Of Labor and Employment ay taon- taon nagsasagawa ng Summer Job para sa ating mga kabataan na gustong magtrabaho ngayon bakasyon.

Sa pangunguna ng Hepe na si Ms. May Bagui sa tanggapan ng Public Employment Service Office o PESO. Ang SPES ay isang programa upang maging produktibo na ngayon ang bakasyon ng mga estudyante.

Nagsagawa ang Department Of Labor and Employment ng interview para sa mga estudyante sa Office of the Mayor, May 24, 2016 alas nuebe ng umaga.

Ayon kay Ms. Angeline Fajardo-(DOLE) Labor and Employment Officer III “Base sa Pledge of Commitment 60 na bata  na beneficiaries ng Ibaan ang kanilang kukuhanin at according pa ito sa request ng Public Employment Service Office (PESO). Magsisimula ang summer job sa May 30, 2016 hanggang June 24, 2016 at ito ay (20)dalawampung  araw. Para nakasali o mapabilang dito ang kanilang unang tinitingnan ay kung ang bata ba ay indigent at sunod naman nilang tinitingnan ay grades dahil bawal ang may bagsak dahil yun ang una nilang tinitingnan during interview pero ang PESO ay mayron ding tinitingnan requirements tulad dito sa Ibaan ay nagkaroon ng exam, 16-25 taong gulang at isang estudyante.

Ayon kay Ms. May Bagui, Human Resource Office ang siyang magaasign kung saan at paano ilalagay ang mga bata at ito ay according sa course at qualification . Ang payment ng SPES ay hati, 60 % sa LGU at ang remaining 40 % ay DOLE ang magbabayad kaya 296.50 ang salary ng mga bata kada araw at ito ay minimun  rate ng Ibaan.

Ang SPES ay regular program ng DOLE kaya kahit election bun ay may budget pa rin para dito at ito ay isang batas kaya ito ay taon- taong programa para sa estudyante.

Isa itong malaking tulong para sa mga magulang, malaking bagay ang naturang programa dahil bukod sa magkakaroon ng kita ang kanilang mga anak, ay madadagdagan ang kanilang karanasan sa pagtatrabaho.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s