Farmer Ako! Proud Ako! Farmer’s Day 2016

13220839_1084369261604289_5048496531162964930_n

Isa sa mga programa ng ating Pamahalaang Lokal ay ang pagbibigay parangal sa ating mga masisipag na magsasaka sa Bayan ng Ibaan. Ang Municipal of Agriculture sa pamumuno ni Gng. Ethel Joy C. Salazar at mga staff ang siyang namuno sa programang ito na may tema na “Nagkakaisang Magsasaka: Patuloy ang Laban sa Hamon ng Panahaon” Ito ay dalawang araw na unang ginanap ang Agri Fair at sumunod na araw naman ay ang mismong Farmer’s Day.

13232884_1084371478270734_4160561941286635284_n

Sa pangunguna ng ating buting Mayor Juan “Danny” Toreja, Vice Mayor Sixto Yabyabin at si Kon. Rodel De Castro na siyang may hawak ng Agrikultura at kasama sina Kon. PJ Chua, Bokal JP Gosoz, Bokal Jessie De Veyra at si Gng. Rhea Andal ng Provincial Government Batangas at si G. Pablito Balantac.

13226835_1084373361603879_5140881397377546917_nMayo 18, 2016 unang naganap ay ang Agri-Fair na ginanap sa People’s Park na mayroong booth na kung saan nilahukan ito ng iba’t ibang asosasyon tulad ng Ibaan Vegetable Farmers Association (IVFA) ,Ibaan Beekeepers Association (IBA), East-West Seed Philippines, CVT Farm, Eya’s Farmlet, Kahariam Reality Farm, Ibaan Organic Farmer Association (IOFA), Prime Agricultural Supply, Allied Botanical Corporation at Lipa Beekeeper. Dito dala- dala nila ang kanilang iba’t ibang produkto tulad ng honey, mga gulay na kanilang sinaka, mga hayop tulad ng native na baboy, aso, rabbit at mga manok na kanilang ipinagbibili.

13230099_1084352344939314_5187649665657701220_nSa ikalawang araw ng Farmer’s Day nagkaroon ng misa, at parada ang lahat ng kasaping magsasaka. Ika-dalawang taon ng ipinagdiriwang ang Farmer’s Day  na nagsimula ng alas nuebe ng umaga sa Recto Gym, May 19, 2016. Sinimulan ito sa panalangin na pinangunahan ni G. Victoriano Gamboa , sumunod naman ay ang pag-awit ng National Anthem at Ibaan Hymn na pinangunahan ni Gng. Annabelle Alday at ipinakilala isa- isa ang lahat ng asosasyon sa bayan ng ibaan.

1936209_1084359351605280_982952168037461286_nSa pangunguna ng ating buting Mayor Juan “Danny” Toreja, Vice Mayor Sixto Yabyabin at si Kon. Rodel De Castro na siyang may hawak ng Agrikultura at kasama sina Kon. PJ Chua,Bokal JP Gosoz, Bokal Jessie De Veyra at si Gng. Rhea Andal ng Provincial Government Batangas at si G. Pablito Balantac.

13267828_1084353248272557_3126401325826826094_n

Nagbigay ng kanyang mensahe si Kon. Rodel De Castro bilang paunang salita na siyang may hawak ng komitiya ng Argikultura na siyang nagsulong ng ordinansa na magkaroon ng taon taon ng ganitong selebrasyon. Ayon sa kanyang narinig sa misa ni Fr. Bandy “Kayong magsasaka ang tunay na mga Bayani sapakat sa inyong mga kamay nakasalalay ang lahat ng mga pagkain inihahain sa bawat hapagkainan“. Sumunod naman ay si Kon. PJ Chua na nagpaabot ng pagbati sa lahat ng masisipag nating magsasaka, Bokal JP Gosoz,Bokal Jessie De Veyra at si Vice Mayor Sixto Yabyabin.

13256105_1084358944938654_6992458407029625726_nSumunod na nagbigay ng mensahe ay ang ating butihing Mayor Juan “Danny” Toreja na nagbigay ng tulong at suporta sa ating mga magsasaka. Ayon sa kanya “ Ang lahat ng ating Farmers ay binibigyan ng isang araw ng pagkilala at pagpaparangal sa lahat ng ating mga farmers kung ano ang kanilang mga naidudulot at naibibigay sa ating mga mamamayan lalong- lalo na dito sa Bayan ng Ibaan hindi lamang dito at sa buong bansa”. Dito sinabi din na malaki ang naitutulong ng laywan sapagkat nababawasan ang polusyon sa ating kapaligiran at nagbibigay din ng hanapbuhay sa mga taga ibaan sa pamamagitan ng pulot na maaaring ipagbili. Marami ding barangay  ang nabigyan ng handtrucktor na katu0katulong ng ating mga magsasaka. At lubos syang nagpapasalamat sa lahat ng nakilahok para sa programang ito.

Nagkaroon din ng dance presentation ang Ibaan Organic Farmer Assiciation.

13266051_1084360724938476_1656098261100569705_nAt ang huling nagsalita ay si G. Pablito Balantac na siyang naging taga pag salita sa programang ito. Ayon sa kanya paliit ng paliit ang lupang sinasaka ng ating mga magsasaka dahil sa patuloy na paglaki ng ating pupolasyon. Napakalaki ng tulong ng ating mga magsasaka dahil sa kanila tayo kumukuha ng supply ng pagkain na kinakain natin sa araw araw. Isa sa problema ng atin mga magsasaka ay ang papalit- palit ng panahon. Nagsimula silang mamigay sa ating mga kababayang magsasaka ng mga makinarya taong 2007 tulad ng Rice & Corn Dryer, Hand Trucktor, Rice Reaper at Knapsack. At nagpapasalamat din siya sa ating mga masisipag na magsasaka kung hindi dahil sa kanila ay wala tayong pagkain na makakain sa araw araw.

Matapos ang pagsasalita ginawaran si G. Pablito Balantac bilang partisipasyon sa programang ito at ginawaran din ang lahat ng nakilahok sa Agri Fair. At nagsalo- salo ang lahat sa inihandang pagkain para sa tanghalian.

Nagpatuloy ang programa na nagkaroon ng paraffle kung saan namahagi sila ng iba’t ibang panamin, vermicast, Urea at marami pang gamit na makakatulong sa kanilang pagsasaka. Nagbigay ng isang baka ang kapatid ng ating Mayor na si G. Cornelio “Arnel’ Toreja.

Naging masaya ang isang araw para sa ating mga masisipag na magsasaka kaya ang sigaw nila ay ” Farmer Ako! Proud Ako!.

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s