By: Lala Esmana, May 25, 2016
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbabalik eskwela at tulad ng nakaugalian, muling aarangkada ang brigada eskwela. Ito ay para maihanda ang bawat paaralan para sa taong panuruan 2016- 2017.
Muling magsasanib puwersa ang mga mag- aaral, magulang at mga guro para sa paglilinis ng mga paaralan sa bayan ng Ibaan.
Inaasahan din ang pakikiisa ng mga Barangay Officials, NGO, LGU, Private sectors at Stakeholders.
Ayon kay District Supervisor Emiliana M.Roxas, ang brigada eskwela ay may temang ” Tayo para sa Paaralang Ligtas at Handa mula Kindergarten hanggang Senior High Shool. Ito ay magsisimula sa ika- 30 ng Mayo at magtatapos sa ika-4 ng Hunyo mula alas- siyete ng umaga hanggang alas- kuwatro ng hapon.
Lahat ng dadalo ay pinakikiusapang magdala ng mga kagamitang panlinis.