Ibaan Women’s Month, Ipinagdiwang

 

March 8, 2016 | Lenz Jefferson P. Ongjoco

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month, nagtipon-tipon ang samahan ng kababaihan ng bayan ng Ibaan, Martes, ika-8 ng Marso. Ang nasabing selebrasyon ang may temang “Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda.”

Dumalo ang samahan ng kababaihan mula sa bawat barangay ng Ibaan pati na rin ang mga kababaihan mula sa Local Government Unit (LGU).

Nagsimula ang pagdiriwang sa isang misa sa Saint James the Greater Parish, ika-6 ng umaga na sinundan naman ng isang parada sa bayan ng Ibaan.

Nang makarating sa Recto Gym, opisyal na sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang dasal na pinamunuan ni Gng. Rebecca Sescon. Sa talumpati naman ni Gng. Digna Cortez ay pinasalamatan nito ang lahat ng dumating para makiisa sa nasabing okasyon. Ipinakilala rin niya ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Mayor Juan “Danny” V. Toreja. Pinasalamatan din ni Ginang Cortez ang lahat ng naging abala para maisakatuparan ang pagdiriwang.

Sa pambungad na pananalita naman ni Dra. Patricia D. Toreja, presidente ng samahan ng kababaihan sa bayan ng Ibaan, ipinagmalaki niya ang paglago ng bilang ng miyembro ng nasabing samahan sa taunang pagdiriwang. Nagpasalamat din si Dra. Toreja sa kapwa niya kababaihan sa pagdalo at umaasa na magiging matagumpay muli ang pagdiriwang ng Women’s Month sa susunod na taon.

Sinundan naman ito ng pananalita mula sa mga miyembro Sangguniang Bayan. Sa kabuuan, ipinagmalaki ng bawat miyembro ang mahalagang tungkulin ng ilaw ng tahanan sa lipunan, na ang kababaihan ang mayroon ding pantay na pagtingin at karapatan kagaya ng kalalakihan.

May ilang personalidad din ang dumating para magbigay ng kani-kaniyang pagbati para sa nasabing okasyon Kabilang sa mga dumalo sa pagdiriwang ay sina  Llanda Bolilia, Fed Caisip, maybahay ni Jessie De Veyra, Jes Patron, Congressman Dong Mendoza, Nas Ona, JP Gozos Dondon Portugal at Vice Governor Mark Leviste.

Sa talumpati naman ni Mayor Danny Toreja, ipinagmalaki rin nito ang paglago ng bilang ng samahan ng kababaihan sa bayan ng Ibaan. Nagpasalamat din siya sa patuloy na pagsuporta ng mga kababaihan sa taunang selebrasyon. Ayon pa sa kanya, taon-taon ay kasama ang mga kababaihan sa mga grupo na pinaglalaanan nila ng pondo para sa iba’t ibang proyekto tulad ng mga livelihood trainings and seminar.

Nagkaroon din ng intermission number na binubuo ng mga kababaihan mula sa iba’t-ibang barangay ng Ibaan. Matapos nito ay sinimulan na ang patimpalak sa pagkanta na sinalihan ng sampung barangay kung saan ipinagmalaki ang kanilang pambato pagdating sa kantahan.

Bago ianunsyo kung sino ang nagwagi ay nagkaroon ng pa-raffle para sa lahat kababaihang dumalo. Kabilang sa mga natanggap ng mga nabunot sa raffle ay basket, payong, tuwalya, balabal, bigas, durabox, electric fan, tv, rice cooker, microwave oven, cellphone. Ang mga nasabing papremyo ay mula kina dating Mayor Boy Chua, kasalukuyang Vice Mayor Thosix Yabyabin, Konsehal PJ Chua, Dr. Alday, Patena Hardware, Konsehal Jucy Mendoza, Kapitan Armando Gutierrez, Jessie De Veyra at Congressman Dong Mendoza.

Matapos ang raffle ay itinanghal na panalo ang taga Lucsuhin na si Gng. Rachel Maranan na nakatanggap ng Php 5,000.00 bilang unang gantimpala. Ikawalang gantimpala naman si Gng. Babylyn Villariza ng Poblacion na tumanggap ng Php 4,000.00 at ikatlong gantimpala kay Gng. Annabel Alday mula sa LGU na tumanggap ng Php 3,000.00.

Natapos ang programa sa pangwakas na pananalita ni Gng. Irene R. Torres ng Municipal Social Worker and Development Office (MSWDO)

Tinatayang aabot sa 2,200 na kababaihan ang dumalo sa okasyon. Si Ginoong Fracisco Q. Pabito ang nagging tagapagsalita ng programa.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s