Symposium on Environmental Awareness

March 2, 2016| Lenz Jefferson P. Ongjoco

IMG20160302080552

Idinaos ang isang pagtitipon tungkol sa pangangalaga sa kalikasan sa Fr. Guido Colleti Gymnasium ng Saint James Academy kahapon, Martes, ika-anim ng Marso. Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga mag-aaral mula sa ika-sampung baitang ng apat na matataas na paaralan sa bayan ng Ibaan – Saint James Academy, Doctor Juan A. Pastor Memorial National High School, St. Jude Science and Technological School at Maximo T. Hernandez Memorial National High School. Dumating din sa pagtititpon ang Sangguniang Bayan ng Ibaan sa pamumuno ni Mayor Juan “Danny” Toreja, mga myembro ng Archdiocesan Ministry for Environment (AMEN) na pinamumunuan ni Father Dakila “Daks” Ramos at Save the Waters of Ibaan Movement (SWIM) na pinamumunuan naman ni Brother Ding Tejada.

 

Pinagsaluhan ng mga estudyante at iba pang dumalo bago ang isang misa mula kay Archbishop Ramon Arguelles bago ang opisyal na pagsisimula ng programa.

Sa kanyang homiliya, binigyang diin ni Archbishop Arguelles na dapat pagyamanin ang pag-aalaga sa ating kapaligiran. Sinabi rin niya na dapat nating malaman ang layunin n gating buhay, at isa na nga dito ay ang pangalagaan an gating kalikasan. Ayon sa kanya, at ayon sa kanyang obserbasyon base sa panunuod sa nakaraang debate ng mga kakandidato sa pagkapangulo, hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon ang kahit isa sa mga ito na talakayin ang kalagayan ng ating kalikasan na ayon sa arsobispo ay isang “major issue”.

IMG20160302083426

Hinikayat din niya ang mga mag-aaral na kahit wala pa amn sa wastong gulang para bumoto na huwag magtulug-tulugan sa mga bagay na may kinalaman sa bayan. “To develop, not to destroy. Pagbutihin at pagyamanin natin ang ating kapaligiran at kalikasan.” – ito ang panawagan ni Archbishop Arguelles sa mga estudyante.

Sa pagtatapos ng kanyang homiliya, hinimok ng arsobispo na gawin ang magagwa ngayon at tiyakin na magkakaroon ng isang bagong Batangas.

Pagkatapos ng misa, opisyal na binuksan ni Father Dakila “Daks” Ramos ang programa. Bilang unang tagapagsalita, tinawag ni Father Daks si Brother Ding Tejada, pinuno ng Save the Waters of Ibaan Movement.

Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki ni Brother Ding ang nagawa ng kanilang organisasyon bagaman ito ay maituturing na batang organisasyon pa lamang. Isa na rito ang kanilang paglilinis sa mga ilog na nasasakupan ng bayan ng Ibaan. Hinikayat din niya ang kabataan na tumulong at makiisa sa layunin ng SWIM na iligtas at pangalagaan ang mga ilog ng Ibaan.

Matapos ang talumpati ni Brother Ding, tinawag naman ni Father Daks si Mr. Glenn Ymata, Porject Director of Energy Philippine Movement for Climate Justice.

Binigyang diin ni Mr. Ymata ang epektong nagagawa ng coal combustion o ang pagsusunog ng mga coal sa pamayanan at sa kalusugan ng mamamayan. Nabanggit niya ang posibilidad na sabwatan ng mga nasyonal at lokal na opisyal ng gobyerno sa patuloy na pagtatayo ng coal plant sa kabila ng nagiging epekto nito sa kalusugan ng tao. Hinikayat din ni Mr. Ymata ang paggamit ng alternatibong pinagkukuhanan ng enerhiya.

Sa huling bahagi ng pagtitipon, nagsalita si Konsehala Christine Balmes ng Batangas City para sa Green Thumb Movement. Sa kanyang pagsasalita, binigyang diin ng konsehala na kailangan nating magkaisa para pangalagaan ang ating kalikasan. Ibinida rin niya ang mga magiging proyekto ng kanilang organisasyon na makakatulong sa pangangalaga ng kalikasan sa lalawigan ng Batangas.

Bilang pagtatapos ng programa, hinikayat ni Father Daks ang mga mag-aaral sa pagkanta ng Paraisong Batangas kasama ang pagpapakita ng mga kuhang larawan ng mga tourist spots ng Batangas. Namamalas ditto ang ilang lugar na ipinamamalaki ng lalawigan na maaaring masira kung magiging patuloy ang pagsira ng tao sa kalikasan.

Natapos ang programa sa pagbabasbas ni Archbishop Ramon Arguelles sa lahat ng dumalo sa pagtitipon.

Sa isang panayam sa arsobispo, sinabi nito na wala pa man sa wastong gulang ang mga mag-aaral na dumalo, may kapangyarihan naman ang mga ito na himukin at hikayatin ang kanilang mga magulang at mga kakilala na iboto ang mga kandidato na alam nilang makikialam at may pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s