Peace Covenant and Muzzle Taping of Firearm/s for National and Social Election, Isinagawa

l

Ngayon na nalalapit na ang eleksyon kinakailangan na masiguro na magkakaroon ng mapayapa at maayos na halalan sa ating Bayan kaya ang Ibaan Municipal Police Station sa pangunguna ni PSI Ricaredo D. Dalisay, Officer-in-Charge ay nagsagawa ng isang pagtitipon na dinaluhan ng magkabilang grupo na tatakbong Kandidato dito sa Bayan ng Ibaan, alas nuebe (9:00) ng umaga, March 1, 2016.

j
Pastor Vergilio Cabarlo at ang mga tatakbong kandidato

Isinagawa ang Peace Covenant na pinangunahan ni Pastor Vergilio Cabarlo, member ng Municipal Advisory Council (MAC) na siyang nagdasal at sinundan naman ni Pastor Timoteo Orense na ipinaliwanag niya na ang eleksyon ay hindi isang away ng magkabilang partido kundi ito ay upang magkaroon ng isang magaling na leader. Isa din sa kanyang mga payo na kahit anuman ang nangyari, manalo man o matalo ay kailangang magpasalamat.

 

nSumunod naman ay ang pamimigay ni PO2 Suzette D Baldovia, MPSMU PNCO ng Leaflets tungkol sa Comelec Gun Ban. Nakasaad dito na simula January 10, 2016 hanggang June 8, 2016 ito ipatutupad. At kung lalabag sa kautusang ito ay maaari kang makulong ng 1 hanggang 6 na taon, permanente na pagkakadisqualified mula sa mga pampublikong opisina at pagkakawala ng karapatang bumoto. Ang Checkpoint ay isa ding parte ng Gub Ban na ipinatutupad, January 10 hanggang June 8, 2016.

Nagkaroon din ng paglalagay ng Tape o Muzzle Taping ng mga baril sa mga kandidatong tatakbo upang makasigurado na magiging mapayapa ang darating na halalan.

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s