Palaro ng Lahi 2016

 

12694958_1017224984985384_540799749239440235_oBy: Avegail Alday

February 17, 2016

Isa sa mga activity ng ika-184 Founding Anniversary ng Bayan ng Ibaan ay ang Palaro ng Lahi na ginanap sa Recto Gym 1:00 ng hapon, February 10, 2016.

Bago magsimula ang palaro nagbigay ng isang pambungad ng panalangin si Committee Member at empleyado ng Municipal Agriculture Office Ms. Rowena Javier. Sumunod naman na nagbigay ng pambungad na pananalita ay ang Committee Chairman na si SB Member Kon. PJ Chua. Nagbigay din ng mga mensahe si Mayor Juan “Danny” Toreja at Vice Mayor Sixto Yabyabin at nakisaya din ang lahat ng Konsehal ng Bayan.

Sumunod naman ang pagpapakilala sa lahat ng kalahok ng bawat team at ang mga magsisilbing Referee ng bawat laro.

Red Team ay ang mga ABC/Treas/Sec/at GRRI at ang referee nila ay si Ms. Judie Capuno, Yellow Team naman ay ang mga ERPAT at Kababaihan na ang referee ay si Ms. Rowena Javier, White Team naman ay ang Ibaan Market Vendors at ang PGPI at ang kanilang referee ay si Ms. Mylene Real, para naman sa Blue Team ay ang mga PNP/ Day Care Workers at mga OFW at ang kanilang referee ay si Ms. Merlynn Argente, Black Team ay ang mga BFP, BHW at ang Farmers Federation at ang kanilang referee ay si Ms. Mary Ann Alib, sa Violet Team naman ay ang mga taga LGU at ang referee ay si Ms. Djhoana Marie Agravante, sa Gray Team naman ay ang mga Senior Citizens at SWIM at ang referee ay si Ms. Kristine Bernadette Balboa at ang huling Team naman ay ang Pink Team na sinalihan ng MCDC at ang kanilang referee ay si Ms. Annabelle Alday.

Sina G. Roderick Altamirano at Gng. Mary Jane Arellano ang siyang naging emcee ng palarong ito at si Gng. Ethel Joy Salazar ang siyang taga tally ng score.Sina Mr. Ruel Alido, Mr. Ryan Rosal, Mr. Onad Cabanella, Mr. John Nicko Panopio, Ms. Vane Nicolas, Ms. An Janett Villanueva, Ms. Malou Gonzales at Ms. Cherie Bajado ang siyang nagsisilbing look out.

12697095_1017224734985409_7275115862101612804_oAng unang laro ay ang Tamales Eating Contest na pinalanunan ng Team Violet. Sa Tara na Magkulambo ay ang Team Black ang nanalo, sa Mariang Nakahabi Went to Market naman ay Gray Team, sa Balatan ng Tubo ay Pink Team ang nanalo, Sack Race naman ay ang Red Team, Tirador naman ay Violet Team, Bunumbraso sa babae ay ang Red Team at sa lalaki naman ay White Team, Limbo Rock naman sa babae ay ang nanalo ay Violet Team sa lalaki naman ay White Team. Para naman sa 3-pt. shoot-out sa lalaki ang nanalo ay Team Pink at para naman sa babae na free- throw shooting ay Gray Team ang nanalo. Para naman sa Tug of War White Team ang nanalo at ang panghuling laro ay ang hulihin ang Biik na nakuha naman ng isa sa mga Red Team.

Ang bawat team ay mayroong kanya kanyang cheer sa kanilang mga kalahok. Hiyawan at tawanan ang maririnig mo habang naglalaro dahil sa sayang kanilang nararamdaman. Bago ideklara ang mga nanalo ay nagbigay ng sertipiko sa lahat ng team. At sa huling parte ng palaro ay inanunsyo na kung sino ang nanalo at ito ay ang Blue Team na kinabibilangan ng mga PNP, Day Care Workers at mga OFW.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s