Pledge of Commitment, Nilagdaan ng Ibaan PNP

 

IMG_20160223_083259
Ibaan Election Officer Jun Aguila at Ibaan PNP Chief PSI Ricaredo Dalisay.

February 23, 2016 | Lala Esmana

Bilang paghahanda sa darating na halalan nilagdaan ng lahat ng bumubuo ng Ibaan Municipal Police Station ang Pledge of Commitment na nagpapahayag ng kanilang pagtalima sa kanilang sinumpaang tungkulin sa panahon ng halalan, February 23.

Ang Pledge of Commitment ay nagmula sa tanggapan ng Commission on Elections sa pangunguna ni Election Officer Jun Aguila na nakatalaga sa bayan ng Ibaan, na nilagdaan naman ng lahat ng kapulisan sa pangunguna ni Police Senior Inspector Ricaredo D. Dalisay. Nagsilbing saksi sa gawaing ito ang Presidente ng KABALIKAT na si G. Nelson Aguilera.

Ang KABALIKAT ay isang accredited non-government organization sa bayan ng Ibaan.

Pangunahing layunin ng Pledge of Commitment na ito na ipaalala sa bawat sarili ng isang pulis na gawain ang tungkulin ng walang kinikilingang kandidato o diskriminasyon sa panahon ng eleksyon alinsunod sa mga umiiral na regulasyon at batas ng Republika ng Pilipinas.

Sila din ay nanumpa at nangako para sa isang mapayapa, ligtas at patas na halalan ngayong Mayo 2016.

Pananatilihin din ang mataas na kalidad ng serbisyo publiko at hindi gagamitin ang posisyon o tungkulin para manamantala o abusuhin para sa kanilang pansariling kapakanan.

Ayon kay G. Jun Aguila, ang kapulisan ay isang kamay ng Commission of Election kung kayat sila ang inaasahan ng nasabing ahensya sa pagpapairal ng batas na may kinalaman sa halalan.

Sa kasalukuyan ay isinasagawa ang Pledge of Commitment sa buong pilipinas.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s