Mga Bumubuo ng MCDC, Nagpulong

ibaan municipal cooperative development council mayor danny toreja 2
Sinang-ayunan ni Mayor Danny Toreja ang pagkakaroon ng Cooperative Month Celebration tuwing buwan ng Oktubre ng bawat taon. Agad umano niya itong ipapaalam sa Sangguniang Bayan upang mapagtalakayan ito at para sa kaukulang aksyon o ordinansa upang maipatupad ito.

February 23, 2016 | Lala Esmana

Nagsagawa ng isang pagpupulong sa tanggapan ng Punong Bayan ang  mga bumubuo ng Municipal Cooperative Development Council February 22,  alas dos ng hapon, upang matukoy ang mga susunod na gawain at hakbangin sa pagpapalakas ng sektor ng kooperatiba sa bayan ng Ibaan.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Mayor Danny Toreja bilang Chairman ng MCDC. Dinaluhan naman ng siyam na kinatawan ng kooperatiba sa Bayan ng Ibaan tulad ni Riza Pana ng Bago MPC, Geraldine Manahan Salaban II Womens MPC, Martina A. Gomez DJAPMNHS Teacher and Staff MPC, Roseni Real Matala WMPC, Priscila Semira at Adelle Malata ng Sandalan Credit Coop, Nelia A. Valencia ng Munting Tubig WMPC, Mario U. Andal ng Coliat MPC, Marites Formalosa ng Bungahan MPC at Teresa Pana ng Sabang MPC.

Dumalo din ang hepe ng Agrikultura na si Gng. Ethel Joy Salazar, DILG/ MLGOO Gng.Lorna Silva at hepe ng tanggapan ng BIR Gng. Lilia Magpantay.

Iminungkahi ng mga miyembro sa pinuno ng samahan ang pagkakaroon ng buwanang pagpupulong na gagawin  tuwing ika-tatlong linggo ng buwan na sinang- ayunan naman ng lahat.

Napagkaisahan din ang pagkakaroon ng Cooperative Month Celebration na gaganapin naman tuwing buwan ng Oktubre. Napag-usapan din ang paghahalal ng mga bagong mamumuno sa samahan ngunit ito ay gagawin pagkatapos pa ng eleksyon.

Nagbigay din ng up-date ang bawat kinatawan ng kooperatiba tungkol sa proyekto ng Bottom Up Budgeting na may isinasagawang pagsasanay sa kanilang kooperatiba. Nagbahagi naman ng kaalaman ang hepe ng tanggapan ng Bureau of Internal Revenue na si Gng. Lilia Magpantay at sinagot ang mga katanungan tungkol sa Tax Exemption. Ipinahayag niya na siya ay tutulong sa mga kooperatiba sa pag-aayos ng kanilang mga pangangailangan sa kanilang tanggapan.

Pinagplanuhan din ang isasagawang seminar ng tanggapan ng BIR sa Munisipyo ng Ibaan kung saan mabibigyang update ang mga kooperatiba hinggil sa umiiral na batas na may kinalaman sa mga buwis at mga bayarin na maari o dapat bayaran ng isang kooperatiba. Wala pang naitakdang buwan o petsa kung kailan ito isasagawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s