Station Defense Plan At Hostage Taking Scenario Training, Isinagawa Ng Ibaan PNP

 

12688373_1021036517937564_5327618424315888254_n
Isa sa maaaring maging senaryo ng isang “hostage-taking crisis”.

 

February 18,2016 | Lala Esmana

Upang maging handa at mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang kapulisan, nagsagawa ang pamunuan ng Ibaan PNP ng Station Defense Plan And Hostage-Taking Scenario Training, February 18, na pinangunahan ni Ibaan Municipal Police Station Chief Police Senior Inspector Ricaredo D. Dalisay.

Kasama ang dalawang sibilyan na umaktong hostage at hostage-taker, masigasig na nakilahok ang lahat ng police officers na nakatalaga sa bayan ng Ibaan. Nakaantabay din ang ambulansya na siya namang pagsasakyan ng hostage o hostage-taker kung sakali man mayroon sa kanila ang masaktan sa gitna ng isang tunay na “hostage-taking crisis”.

Sa pagsasanay, ipinakita ang mga lugar na dapat posisyunan ng mga police officers depende sa lokasyon ng hostage at hostage-taker. Sa mga ganitong sitwasyon, pangunahin umano na mapangalagaan ang kaligtasan ng hostage. Isa rin sa dapat tandaan at malaman ng lahat ng kapulisan ay ang tamang pakikipag-negosasyon sa hostage-taker.

1
Matamang pag-iingat din ang dapat pairalin ng mga pulis sa pagpasok sa kinaroroonan ng hostage at hostage-taker. At kung maaari, matapos ang krisis ng walang nasasaktan.

At bagama’t kaligtasan ng hostage o biktima ang dapat tutukan, makabubuti pa rin umano na matapos ang sitwasyon sa matiwasay na pagsuko ng hostage-taker at pagpapalaya ng hostage.

Bukod sa pagresolba ng isang hostage-taking crisis, isinabay na rin nila sa kanilang pagsasanay ang pagtatanggol sa istasyon ng pulis. Ito ay kung sakali man na dumating ang pagkakataon na maging sentro ng krisis ang kanilang himpilan.

Ayon naman kay PSI Dalisay, ang isinagawa nilang pagsasanay ay hindi lamang para sa kaalaman at kahandaan ng kanyang mga tauhan. Lalong higit, para ito sa bayan ng Ibaan. Bilang isang pulis na nakatalaga sa isang bayan, pangunahin umanong tungkulin ng isang pulis ang mabigyang proteksyon at siguruhin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s