Mga Batang Nagwagi sa STCAA, Kinilala

12747510_1024977797543436_4533424384433788292_o
Mga batang manlalaro ng Ibaan, kasama ang kanilang mga guro at tagapagsanay, na pinarangalan ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan, February 22.

By: Lala Esmana

February 22, 2016

Bilang pagbibigay pugay sa karangalang inihatid sa bayan ng Ibaan, opisyal na kinilala at binigyang parangal ang mga batang Ibaan, February 22, na nagwagi sa iba’t ibang kategorya ng mga larong pampalakasan sa katatapos lamang na Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association (STCAA) na ginanap sa Dasmarinas, Cavite noong February 7 – 12.

Si Fritz G. Mariano ng Tulay Elementary School ay nakasungkit ng Gold sa Long Jump at Bronze naman sa Triple Jump.

Nag-uwi din ng Gold Medal ang 9-taong gulang na si Aleana Q. Gundaya ng Bungahan Elementary School sa larong gymnastics sa kategoryang Individual All Around at Team Competition. Sinamahan pa ito ng Silver Medal para sa kategoryang Vault at Beam Category sa kaparehong laro.

Ganito din ang karangalan na nakuha ni Jabez Anne Danielle B. Sastrillo ng Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School. Gold Medal at Silver Medal ang kanyang nasungkit sa Individual All Around at Team Competition, Vault at Beam Category ng gymnastics, ayon sa pagkakasunod.

Kumuha naman si Elezaldelyn L. Lora ng Coliat Elementary School ng ikalimang pwesto para sa Individual All Around sa gymnastics.

Sa larong Table Tennis, mapalad din na nag-uwi ng Gold Medal si Bryan M. Banawa ng Dr. Juan A. Pastor Memorial National Highschool mula sa kategoryang Table Tennis – Doubles. Sumungkit din sya ng Bronze Medal sa Team/Individual Event.

Labis naman ang ipinakitang tuwa at paghanga ni Mayor Danny Toreja, Vice Mayor Sixto Yabyabin dahil ang mga bata ay maituturing na produkto ng mga pagsasanay na libreng isinagawa ng Ibaan Cultural And Sports Development Council na isang programa ng Pamahalaang Bayan na nagbibigay ng mga pagsasanay sa iba’t ibang larangan ng larong pampalakasan. Bunga rin ito ng patuloy na pagtutulungan ng mga guro, paaralan, at mga magulang na patuloy din sa pagbibigay ng suporta sa nasabing programa.

Pinasalamatan din ng Punong Bayan ang lahat ng mga trainors at coaches ng nasabing Council na pinamumunuan ni G. Noriel Aguila.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s