Medical and Dental Mission, Matagumpay

 

By: Lala Esmana

February 16, 2016

12646923_1008755745832308_3484828357483298323_o
Mayor Juan “Danny” Toreja

 

Naging matagumpay ang isinagawang medical at dental mission na ginanap noong Enero 31, 2016 sa Recto Gymnasium, Ibaan Batangas.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang sa kaarawan ng butihin at minamahal na Punong Bayan ng Ibaan Mayor Juan “Danny” Toreja.

Nagkaroon ng libreng konsultasyon sa mga karamdaman at libreng gamot. Maraming kilalang mga doktor at dalubhasa sa bayan ang dumalo tulad nina Dr. Gerald Alday, Dra. Detty Mailig- Sombito, Dr. Romeo Bicol, Dra. Cecilia Cayetano, Dr. Dioscoro Angelia Jr., Dr. Aurelia Miral, at Dr. Artemio Palma. 476 ang bilang ng mga taong nagpakonsulta.

Nagkaroon din ng konsultasyon sa ngipin o dental na dinaluhan ng mga dentista mula sa sariling bayan na sina Dr. Mario Madlangbayan, Dr. Gina Castillo, at Dr. Alona Caiga. Sumoporta din ang maraming dentista mula sa iba’t ibang bayan. Nabunutan ng ngipin ang may 370 na katao sa misyong ito.

mayor danny toreja den.med.mission.jpg6
Bloodletting

Nasa pitumpu’t anim naman ang bilang ng mga nagdonate ng dugo mula sa iba’t ibang sektor tulad ng Tau Gamma Phi at ilang indibidwal na laging nakahandang mag-alay ng dugo para sa mga nangangailangan. Kasama dito ang ilang empleyado ng munisipyo. Meron ding FBS o konsulta para sa gustong malaman ang estado ng sugar sa loob ng katawan. Nasa 119 ang natingnan dito.

12594014_1008748979166318_6152068124258915552_o
FFCCCII isa sa mga nagbigay tulong sa mga mamamayan ng Ibaan.

 

Namigay din ng maraming gamot ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporation bilang suporta na pinangunahan ng Vice President ng samahang ito na si William Yap Castro, Vice Chairman Alberto Aquilino, Director Charles Yu at mga miyembro nito.

Naging kaagapay din sa misyong ito si Vice Mayor Sixto Yabyabin at kanyang asawa, mga SB Members at host ng programa na si Rico Caringal, lalo’t higit si Dra. Patricia Toreja at buong pamilya.

Sinimulan ang ganitong Gawain ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan simula pa noong 2011, isang taon mula sa opisyal na panunungkulan bilang Punong Bayan ni Mayor Danny Toreja noong 2010. Isinasagawa ito bilang bahagi na rin ng selebrasyon ng kanyang kaarawan tuwing ika-31 ng buwan ng Enero.

Samantala, bukod sa Medical and Dental Mission na ito, patuloy pa din na isinasagawa ang libreng konsultasyon, gamutan, punot ng ngipin, at pamimigay ng mga libreng gamut tuwing magkakaroon ng Ugnayan Sa Barangay na sinimulan din noong 2011.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s