ABC Night 2016, Isinagawa

 

February 15, 2016 | Avegail Alday

Sa unang pagkakataon, nagsama-sama ang mga opisyales ng lahat ng barangay ng bayan ng Ibaan para sa isang gabi ng kasiyahan.

Tinawag na ABC Night, tinampukan ito ng isang Videoke Challenge na nilahukan naman ng mga representative ng bawat barangay noong February 9 na ginanap sa Recto Gym. Pinangunahan ito ni Association of Barangay Chairman (ABC) President Armando Gutierrez ng Brgy. Bago.

Ayon kay Kap. Armando, bihira lamang ang pagkakataon na magkasama-sama ang mga opisyales ng barangay. Ang kadalasan lang umano na nagkakasama-sama ay ang mga Barangay Chairman, o di kaya ay mga Konsehal ng barangay at iba pang opisyales depende sa programa tulad halimbawa ng mga seminar at training na nakatuon o nakalaan lamang alin man sa Barangay Chairman, Konsehal, Tanod, BNS, BHW, Day Care Workers at iba pa. Kaya naman sinamantala nila ang pagkataon na makapagdaos ng isang gabi ng kasiyahan para sa lahat.

Sinuportahan naman at dumalo sa nasabing pagtitipon sina Mayor Danny Toreja, Vice Mayor Sixto Yabyabin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Dumating din upang makisaya sina Vice Governor Mark Leviste, ang mag-asawang Caloy at Lianda Bolila, Dr. Gerald Alday ng San Jose, JP Gosoz at Jessy De Veyra ng Rosario, Batangas.

mayor.danny.toreja.abcnight10
G. Reynaldo Pesigan nagwagi sa Videoke Challenge kasama sina Mayor Juan “Danny” Toreja, Vice Mayor Sixto Yabyabin. Abc Pres. Armando Gutierre, Mr. Francisco Pabito at ang dalawang Host.

Sa  Videoke Challenge, mga Konsehal at Tanod ang barangay ang nagtagisan sa pagkanta kung saan binigyan sila ng kalayaan na makapili ng kanilang kakantahin.

Nanguna at nagwagi sa paligsahan si G. Reynaldo Pesigan na isang Tanod Sa Brgy. Sandalan. Sumunod sa kanya si Gng. Helen Caringal na isa naming BHW sa Brgy. Sabang. Pumangatlo naman si Kon. Gierly Cantillo ng Brgy. Talaibon. Binigyan din ng consolation prize ang lahat ng lumahok sa Videoke Challenge.

Naging punong-abala naman sina ABC Secretary Eileen Suarez at Gng. Neneth Rena ng Municipal Accounting Office.mayor.danny.toreja.abcnight3

Naging matagumpay ang ABC Night dahil sa pakikiisa ng bawat pangulo, barangay functionary, at pati na din ang lahat ng mga empleyado ng munisipyo.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s