Kapulisan ng Ibaan, Pinarangalan

 

ibaan municipal police commended 2016 mayor danny toreja ricaredo dalisay ibaan batangas 5

January 25, 2016 | Lala Esmana

Photos by Aron Paul Minas

Pinarangalan ng Pamanahalaang Bayan ng Ibaan at Sangguniang Bayan ang buong pamunuan ng Ibaan Municipal Police sa kanilang mabilis na pagresolba ng isang kaso ng pagpaslang sa isang residente ng Brgy. Tulay noong January 16, 2016. Iginawad ng parangal matapos ang flag ceremony, January 25, na sinaksihan ng mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Bayan.

ibaan municipal police commended 2016 mayor danny toreja ricaredo dalisay ibaan batangas 1
Ibaan Municipal Police Station Chief PSI Ricaredo D. Dalisay

Nauna ng nagsagawa ng 14th Special Session ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Sixto Yabyabin at mga Konsehal ng Bayan kaugnay kung saan binuo at pinagtibay ang Resolution No. 2016-009 na nagbibigay papuri at parangal sa Ibaan Municipal Police Station na pinangungunahan ni PSI Ricaredo D. Dalisay sa kanilang mabilis na pagkakahuli kay Loreto D. Linatoc Jr. ng Brgy. Tulay na siyang pangunahing suspect sa pagpaslang kay Novelyn S. Mendoza noong January 15, 2016 ng nasabi ding barangay.

Sa masusing pakikipag-ugnayan ng Ibaan PNP sa mga opisyales at mamamayan ng Brgy. Tulay, agad na nakakuha ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng suspect. Mula sa mga nakalap na impormasyon, agad na bumuo ng Action Team si PSI Dalisay na siyang agarang nakahuli sa suspect noong January 16, 2016.

Ayon kay PSI Dalisay, halos anim na oras lamang ang nakalilipas matapos mangyari ang krimen nang mahuli nila ang suspect.

Dahil dito, agad na pinirmahan ni Mayor Danny Toreja ang Resolution No. 2016 – 009 na nagbibigay pagkilala sa kapulisan sa pamamagitan ng paggagawad ng Certificate of Commendation. Ang nasabing resolution naman ay base sa panukala ni Coun. Venus De Castro at sinegundahan ni Con. Dina A. Blanco, ganun din ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Sixto Yabyabin.

Ang mga pulis na pinarangalan ay ang mga sumusunod:

Police Senior Inspector Ricaredo D. Dalisay – Ibaan Municipal Police Station Chief / Team Leader

Patrol Team

  • PO2 Leo Alina Baldovia
  • PO3 Arnulfo Gomez Pasia
  • PO1 Francis Daryl Lavidez
  • PO1 Alfie Esmana De Chavez
  • PO1 Elbert Lasi Tanamor
  • PO1 Fritzerald Doria Vergel
  • PO1 Jayvee Lester De Castro

Investigation Personnel

  • SPO4 Felixberto Cabrera Cabungcal – Team Leader
  • SPO2 Geronimo Alcantara Sanchez
  • PO3 Reynaldo Paulines Dusal
  • PO1 Jaydee Catapia Mallari

Communication/ Office Personnel

  • PO3 Emily Galacite Hindap
  • PO2 Suzette Dimaculangan Baldovia
  • PO1 Lovely Rey Gapiangao

Intelligence/ Follw- Up Personnel

  • PO3 Enrico Villanueva Faral- Team Leader
  • PO3 Celester Diola Delgado
  • PO3 Ryan Arellano Pagcaliwagan
  • PO2 Maria Kristal Montales Valencia
  • PO1 Darwin De Torres Maralit
  • PO1 Ryther Bonsol Carandang
  • PO1 Ron Lewellen Baroja
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s