Barangay Tanod Enhancement Seminar, Isasagawa

IMG_20160122_094659

January 22, 2016 | Lala Esmana

Nagpatawag ng pagpupulong ang Association of Barangay Captain President Armando Gutierrez upang pagtalakayan ang isasagawang Barangay Tanod Enhancement Seminar sa susunod na buwan, January 22.

Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan din ng DILG Representative Lorna Silva at ni Capt. Rafael B. Porras ng 73rd Combat Squadron Phillipine Air Force mula sa Brgy. San Isidro, Rosario Batangas at mga kasamahang sina SSG Randy A. Rolle at A2L Rey Anthony M. Magapi.

IMG_20160122_093325
Ang mga Hepe ng Barangay Tanod ng 26 na barangay ng Ibaan.

Ang seminar ay tungkol sa  pagpapalawak ng kaalaman ng bawat Barangay Tanod para sa tama, epektibo at mas mabilis na pagtugon sa mga sakuna sa komunidad. Kasama din dito ang mga dapat isagawang paghahanda sa pagdating ng mga kalamidad o ang tinatawag na Disaster Preparedness.

Magkakaroon din ng training kung paano ipagtatanggol ang sarili ng bawat isa o self defense.

Ito ay magaganap sa darating na Pebrero 19, 20, at 21 taong kasalukuyan. Limang barangay Tanod o higit pa mula sa 26 na barangay ang inaasahang dadalo.

Libre namang isasagawa ang seminar at gaganapin sa Brgy. San Isidro, Rosario Batangas.

Nabuo ang plano para sa nasabing seminar sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Danny Toreja at Ibaan DILG Officer Lorna Silva sa Air Force Combat Squadron.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s