Violence Against Women And Children, Drug Abuse Seminar, Isinagawa Ng Ibaan PNP

January 19, 2016 | Lala Esmana and Avegail Alday

w1

Kababaihan. Kabataan. Alagaan. Proteksyunan.

Ito ang isa sa mga adbokasiya na isinusulong ng Ibaan Municipal Police kung saan layunin nito na maging bukas ang kaalaman at kaisipan ng mga mamamayan tungkol sa mga usapin at isyu tungkol dito.

At bilang pagtalima sa adbokasiyang ito, sa pakikipagtulungan ng Tanggapan Ng Punong Bayan, sinimulan ng Iban PNP ang pagbibigay ng mga Lecture/Seminar laban sa anumang uri ng karahasan at pang-aabuso sa kababaihan at kabataan, ganun na rin ang ang masamang epekto, senyales at pag-iwas sa ipinagbabawal na gamot. At una nga nila itong isinagawa sa Brgy. Salaban I noong January 19.

Dinaluhan ng 57 katao at 16 na Barangay Officials, pinangunahan ni PO3 Lester Delgado at PO3 Emily Hindap ang diskusyon at palitan ng kuro-kuro tungkol dito.

Unang nagpaliwanag ay si PO3 Lester Delgado na may hawak ng Anti- Illegal Drugs. Sinabi nya dito na dumarami ang bilang ng mga nahuhuli o nakukulong sa bayan ng Ibaan dahil sa ipinagbabawal na gamot. Ang nakalulungko pa dito, pawang mga kabataan ang sangkot dito.

Dagdag pa ni PO3 Delgado, ang madalas na senyales na makikita sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, partikular ang shabu, ay ang mga sumusunod:

  • mabilis na pagpayat
  • mainitin ang ulo
  • laging gising sy nahihirapan na makatulog
  • hindi naliligo
  • maputi ang dila
  • laging uhaw

w6Hindi rin umano nagkakalayo ang mga senyales na makikita sa mga gumagamit ng marijuana. Pero partikular na mapapansin ang pagiging laging gutom ng mga ito.

Ipinaliwanag naman ni PO3 Emily Hindap ang tungkol naman sa ” Women and Children Protection Desk” (WCPD), ang seksyon ng kapulisan na tumatanggap ng mga reklamo hinggil sa pangaabuso sa mga kababaihan at kabataan. Ganun na rin ang isyu at usapin na nakapaloob sa Violence Against Women And Children (VAWC), isang panukala na naisabatas at pinirmahan bilang isang ganap na batas ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong March 8, 2004. Layunin nito na tugunan ang lumalaganap na pang-aabuso sa kababaihan at kabataan.

Ayon sa kanyan, ang VAWC ay isang diskriminasyon o pagpapahiwatig na nag babae ay mababang uri lamang ng tao. Mayroon umanong apat ng uri ng VAWC:

  • Physical Abuse na kung saan binubugbog, ginugulpi , paninipa, pananampal, panununtok, pananabunot, pananakal, panunutok ng baril at pamamalo ng mga kalalakihan ang mga kababaihan
  • Sexual Abuse, —Rape/Panggagahasa, —Sexual Harassment, —Acts of Lasciviousness/Kalaswaan, Treating A Woman Or Her Child As Sex Object
  • —Pambabastos, Paggamit ng mga Salitang Malalaswa, —Pisikal Na Paghawak O Pananakit Sa Maseselang Bahagi ng Katawan ng Biktima, —Pamimilit Na Tumingin O Manood Ng Malalaswang Babasahin O Palabas/Pelikula, —Pamimilit Sa Ina/Anak Na Gumawa Ng Malalaswang Gawain/Pelikula, —Pagpapatira At Pagpapatulog Sa Iisang Kwarto Ng Kalaguyo O Sa Tahanan Ng Kinakasama, Pagsadlak Sa Anak Na Babae Prostitution (Pambubugaw).

w4Kaakibat din ng pang-aabuso sa kababaihan at kabataan ang tinatawag na Psychological Abuse. Maaring isagawa ito sa pamamagitan ng:

  • Panggu-gulo
  • Pagma-manman o Stalking
  • Pagsira O Paninira Ng Mga Ari-Arian
  • Pagmamaliit O Pagpapahiya Sa Publiko
  • Paulit-ulit Na Pagsambit Ng Masasakit Na Salita (Repeated Verbal Abuse)
  • Pangangaliwa (Marital Infidelity)
  • Pananakit/Pag-abuso Sa Kapamilya Sa Harap Ng Biktima
  • Pananakit/Pag-abuso/Pagpatay Sa Alagang Hayop Ng Biktima
  • Hindi Makatuwirang Pagbabawal
  • Pagkakait Ng Karapatang Bisitahin
  • Pagkakait Ng Pag-aaruga Sa Mga Anak

Bukod sa mga naunang nabanggit, nakapaloob naman sa tinatawag na Economic Abuse ang mga sumusunod:

  • Hindi Pagbibigay Ng Financial Support
  • Pagbabawal Sa Biktima Na Magtrabaho
  • Paninira Ng Mga Kagamitan Sa Bahay
  • Pagkontrol/Pagbabawal Sa Biktima Na Gamitin Ang Sariling Pera At Kagamitan
  • Pagkakait Ng Karapatan Sa Paggagamit Sa Mga Conjugal Properties.

Dagdag pa ni PO3 Hindap, ang pang-aabuso ay maaaring aktwal, direkta at hindi direktang naisasagawa. Maaari din itong mangyari sa loob at labas ng tahanan.

Bilang pagtatapos, ipinaalala ng kapulisan sa lahat ang isang kataga mula kay Thomas S. Monson:

woman-abuse

 “WOMAN WAS TAKEN OUT OF A MAN. NOT ON HIS FEET TO BE TRAMPLED UNDERFOOT. NOR HIS SIDE TO BE EQUAL TO HIM…BUT NEAR HIS HEART TO BE LOVED”.

“LADIES, You are not a SEXUAL OBJECT! – not a PUNCHING BAG _ not a target for EMOTIONAL ABUSE! You worth more than that! You were created by God to be a Partner to MEN not a SLAVE, to provide Strength and support to them not to be used and manipulated by them, to submit to them not to become fools in that process. You have your Dignity and Self Worth. Never sacrifice those!”

Patuloy na magsasagawa ng Ibaan PNP ng katulad na seminar sa lahat ng mga barangay sa bayan ng Ibaan upang higit pang mabigyang kaalaman ang lahat. At upang higit na mabigyang pagkakataon ang mga kababaihan at kabataan na maisagawa ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas, sa mata ng tao at ng Diyos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s