Committee on Peace and Order, Nagpulong para sa Selebrasyon ng 184th Foundation Festival

January 14, 2016 | Lala Esmana

Nagpulong ang committee on Peace and Order hinggil sa selebrasyon ng 184th Foundation Day Festival sa pangunguna ni Konsehal Venus De Castro  ang Officer ng Peace and Order mula sa Sangguniang Bayan ng Ibaan, January 14.

IMG_20160114_092530
Patuloy ang koordinasyon ni Kon. Venus De Castro kay PSI Dalisay, kasama si Municipal Engr. Lalen Salagubang para sa maayos at ligtas na selebrasyon ng Les KuHLiemBo Festival 2016.

Sinigurado sa nasabing pagpupulong ang kaligtasan ng bawat tao at katiwasayan habang isinasagawa ang pagdiriwang. Kaugnay nito, ipinakita ni PSINSP Ricaredo D. Dalisay at PO2 Oliver Ylagan ang kanilang ginawang Re- routing at Deployment Plan na agad namang  sinang-ayunan ni Konsehal Venus De Castro at mga kasamahan.

Napagkasunduan na maglagay ng Advisory na nagsasaad na bawal pumasok ang mga trak sa kahabaan ng J. Pastor St. habang isinasagawa ang street dancing parade.

IMG_20160114_145812.jpg
Ruta Ng Street Dance Parade

Magtitipon- tipon ang lahat ng kasali sa parada sa Patio ng Saint James Parish Church. Mula dito, unang magtutungo ang Street Dance papunta Ibaan Central School. Mula ICS, magtutungo naman sa Poblacion-Palindan-Coliat Rotonda. Muling babalik at papasok Macatangay Street patungo ng Medrano Plaza. Sa Medrano Plaza na gagawin ang individual ground performance ng bawat kalahok sa Street Dance.

Pangungunahan ng PNP Personnel ang nasabing parada, kasunod ang mga Municipal Employees, 6 na klaster ng barangay at mga kalahok sa Festival of Costume Contest.

Pagkatapos ng pagdiriwang ay magpupulong muli ang Committee on Peace and Order para sa evaluation hinggil sa naganap na pagdiriwang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s