28 na Magsasaka Nagtapos ng Pag-aaral ng Sustainable Rice Production

DSC_1575.JPG

Dalawampu’t walong magsasaka nagtapos ng pag-aaral tungkol sa Sustainable Rice Production. Sa FFS Farmers Field School sa barangay Pangao Ibaan Batangas, Enero 20, 2016 alas otso ng umaga.

Nagsagawa ng isang programa ang pamunuan ng Agrikultura na pinangunahan ng leader at hepe ng Agrikultura na si Gng. Ethel Joy Caiga Salazar at mga kasamahan na nagsilbing facilitator ng nasabing pag-aaral ang dalawang Agricultural Technologist na sina Gng. Annabelle D. Alday at Gng. Rowena U. Javier tungkol sa Farmers Field School on Sustainable Rice Production. Ang sustainable rice production ay isang programa ng Agrikultura na nagtuturo sa mga magsasaka kung paano ang tamang paraan upang lalong dumami ang kanilang ani. Hinati sa 4 na grupo ang 28 magsasaka na may 7 miyembro. Ang pag-aaral ay isinagawa sa loob ng 15 linggo na sinimulan noong September 23, 2015 hanggang January 20, 2016.

Sinimulan  ng prosesyunal ng mga magsisipagtapos, panalangin at pambansang awit na isinagawa ni Gng. Rowena Javier. Sinundan naman ng panatang makapalay ni G. Nelson Claus kalahok ng FFS. Pagkatapos ay ipinakilala ang mga panauhin at ang mga magsisipagtapos.

Nagbigay naman ng mensahe ang minamahal na Punong Bayan Mayor Juan “Danny” Toreja, Vice Mayor Sixto Yabyabin, Kon. Rodel De Castro, Kon. PJ Chua at dating Administrador Rico Caringal.

Naghanda din ng mga pampasiglang bilang ang ilan sa mga nagsipagtapos tulad ng Tula, Awit at Modernong Sayaw.

Pagkatapos ay isinagawa ang mga parangal, pagpapakilala, pamimigay ng mga sertipiko at pagpapatibay ng mga nagsipagtapos na ginampanan ng mga nasabing panauhin.

Nagbigay naman  ng pangwakas na pananalita ang Chairman- SB Committee on Agriculture na si Kon. Rodel De Castro.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s