184th Founding Anniversary ng Ibaan, Pinaghandaan ng Kapulisan

January 14, 2016 | Lala Esmana

 

DSC_0153

Pinaghahandaan na ng ating kapulisan ng Ibaan ang 184th Founding Anniversary na magaganap sa February 11, 2016. Kaugnay nito, naglabas ang tanggapan sa pangunguna ni Ibaan Municipal Police Chief PSI Ricaredo D. Dalisay at PO2 Oliver C. Ylagan ng Traffic Re- routing plans para sa mga drivers at behikulo na kanilang dapat daanan.

Bunsod nito, nakipagpulong ang pamunuan ng Ibaan PNP sa mga drivers at operators ng tricycle, van, at iba pang pampublikong sasakyan, January 13, upang maipaliwanag sa kanilang magiging ruta ng mga sasakyan kaugnay ng selebrasyon sa February 11

Hiningan ng suporta at kooperasyon ng tricycle drivers ng iba’t- ibang barangay upang maging maayos ang nasabing pagdiriwang. Ang nasabing re- routing plan ay magaganap sa February 11, 2016 mula alas sais ng umaga hanggang alas dos ng Hapon.

re- routing

Ang mga sasakyan na magmumula sa Batangas, Bago, Sabang at Coliat patungong Rosario ay tatahakin ang Palindan Talaibon access road. Ganun din naman ang mga sasakyan na magmumula sa Rosario, Matala at Pangao. ” No Parking” naman sa pagitan ng M. Mercado St. Ang mga sasakyan naman na magmumula sa Balanga at Sandalan ay pwedeng tahakin ang Coliat road patungong Batangas.

Magbibigay suporta din ang Philippine Air Force mula Fernando Air Base, Lipa City para sa mas maayos na daloy ng selebrasyon at upang magbigay din ng karagdagang seguridad sa mga mamamayan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s