Mga Hakbang At Requirements Sa Pagkuha/Renew Ng Prangkisa Ng Tricycle Sa Ibaan

Narito ang mga hakbang sa pagkuha/renew ng prangkisa ng tricycle sa Pamahalaang Bayan ng Ibaan, Batangas.

Una. Kumuha ng numero sa unang palapag, harapang bahagi, ng munisipyo (sa entrance canopy, hanapin lamang sina Ycel at Rachelle).

Related Article: 250, Nag-renew At Kumuha Na Ng Prangkisa Ng Tricycle

Ikalawa. Magtungo sa Municipal Planning and Development Council (MPDC), ibigay ang numero sa kanilang empleyado at maghintay na matawag. Ihanda na rin at isumite ang mga sumusunod na dokumento bilang mga requirements para sa bago, renewal, transfer o paglilipat ng pangalan ng prangkisa:

  1. Barangay Clearance
  2. LTO Certificate of Registration
  3. Latest Official Receipt (O.R.) Payment of Registration (2015)
  4. Certificate of Membership from the Federation and Association

Iba pang mga kinakailangang dokumento:

  • delivery receipt (new)
  • deed of sale (transfer)
  • sales invoice (new)
  • certificate from federation and association para sa paglilipat ng linya.

Ikatlo. Kumuha ng “duly accomplished clearance” mula sa naka-assign na empleyado ng MPDC.

Ikaapat. Magbalik sa ground floor at hanapin si Brian Malata / Joey Inandan para sa Tricycle Unit Inspection. Dumiretso sa Ibaan – PNP para sa isang pang inspection.

Ikalima. Magtungo sa Municipal Treasurer’s Office (MTO) para sa clearance ng mga sumusunod:

  • Waterworks
  • Land Tax / RPT
  • Secured Community Tax Certificate (CTC)
  • Payment of Franchise Fees

Ikaanim: Matapos magbayad ng franchise fee (prangkisa), muling magtungo sa MPDC para naman sa pagpo-proseso ng mga papel:

  • Application Form
  • Mayor’s Permit
  • Franchise (prangkisa)

Ikapito. Pagkatapos ng mga naunang, bibigyang abiso ang mga aplikante para schedule ng release ng primadong Tricycle Franchise at iba pang dokumento.

Related Article: Tricycle Drivers, Nakipagpulong

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s