Mga Hakbang Sa Pagtubos / “Renew” Ng Business License / Permit

Sa pagpasok ng taong 2016, nagsimula na rin tumanggap ang Pamahalaang Bayan ng Ibaan ng mga aplikasyon para sa bago at renewal ng Mayor’s / Business Permit.

Related article: New Ibaan Business Establishments Up By 43.6%

Base sa naunang plano na pagpapatupad ng “One-Stop-Shop”, pinagsama-sama sa ikalawang palapag ng munisipyo ang mga departamento na may direktang kinalaman sa pagkuha at pag-renew ng business permit. Matatagpuan ito sa dating opisina ng Sangguniang Bayan na sa kasalukuyan ay siya na ring ginagamit sa mga pagpupulong na may malaking bilang ng partisipante at iba’t iba pang aktibidades ng Pamahalaang Bayan.

Pag-akyat ng ikalawang palapag, sasalubong sa aplikante/kliyente ang unang bahagi ng proseso. Sa bahaging ito isina-submit ng kliyente ang kanilang mga requirements base sa kanilang negosyo. Kasama rin sa unang bahagi ang Bureau of Fire Protection.

Pagkatapos sa unang bahagi, matatagpuan naman sa malapit sa Mayor’s Office ang Step 2, 3, at 4.

Isa sa pagbabago na ipinatutupad ay ang pagtulong ng mas maraming bilang ng empleyado sa proseso upang mas mapabilis ang huli. Dito, matapos maibigay ang naunang checklist ng mga requirements kay Business Permit and License Officer Vanessa Nicolas para sa Step 2, mga empleyado na ang magdadala ng papel ng kliyente sa iba pang table kung saan naroon ang iba’t ibang departamento.

Layunin din ng nasabing proseso na mai-release ang mga aprubadong Business Permit sa kaparehong araw ng pagsusumite ng mga kliyente ng kanilang aplikasyon.

Ganun pa man, bago pa maisagawa ang mga nabanggit na proseso, kinakailangan na maisaayos muna sa Municipal Health Office ang HEALTH CARD ng may-ari at empleyado ng negosyo lalo ang mga kainan, barber shop, beauty parlor at iba pang kahalintulad ng nabanggit na negosyo.

Narito ang mga pangunahing dokumento na kinakailangan sa pagsusumite ng aplikasyon para sa bago at renewal ng Mayor’s / Business Permit:

  1. BARANGAY BUSINESS PERMIT. Kinakailangan na kumuha muna ng Business Permit sa barangay kung saan matatagpuan o naroroon ang negosyo ng aplikante.
  2. DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY CERTIFICATE. Magsumite ng kopya ng DTI Certificate.
  3. HEALTH CARD
  4. AUDITED FINANCIAL STATEMENT. Para sa mga negosyo na kumikita ng P300,000.00 pataas.
  5. OFFICIAL RECEIPT ng mga sumusunod:
  • WATERWORKS (para sa mga taga Brgy. Poblacion, Palindan, at Coliat)
  • MARKET STALLS RENTAL FEE (para sa mga may puwesto sa Ibaan Public Market)
  • LAND TAX / RPT CLEARANCE (kapag may lupa na ibinubuwis)

Narito naman ang mga hakbangin:

  • STEP 1: Magpa-check ng requirements at magfill-up ng forms.
  • STEP 2: Magtungo sa BPLO at Municipal Engineer’s Office para sa assessment.
  • STEP 3: Magbayad ng kaukulang halaga base sa resulta ng Assessment.
  • STEP 4: Maghintay ng pagtawag para makuha ang approved na Mayor’s Permit sa RELEASING SECTION.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s