Senior Citizens, Muling Tumanggap Ng Social Pension

DSC_0004

December 22, 2015 | Lala Esmana

Tumanggap na muli ng Social Pension ang mahigit isang libong Senior Citizens ng Bayan ng Ibaan, December 22.

Ang Social Pension ay isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipinatutupad naman ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan para sa mga Senior Citizens na may edad na 65 pataas kung saan binibigyan sila ng suportang pinansyal na nagkakahalaga ng P500.00 kada buwan. Ibinibigay naman ito kada ikatlong buwan o kada anim na buwan ng taon.

Ayon kay Gng. Irene Torres, Hepe ng Ibaan MSWD,  ang Ibaan ang may pinakamaraming bilang ng Social Pensioner sa lahat ng bayan sa buong probinsya ng Batangas. Nakamit ito sa masugid na pakikipag-usap at patuloy na koordinasyon ni Mayor Danny Toreja sa Regional Office ng DSWD. At sa susunod na taong 2016, inaasahan na  madaragdagan pa ito ng halos 2,000 pang bilang ng slot o bilang ng mga senior citizen na maaring makatanggap ng nasabing social pension.

Ipinaalala din ni Gng. Irene Torres na upang maging miyembro o maging isang social pensioner, marapat na makipag-koordina ang isang senior citizen, lalong higit ang mga sadyang lubos na nangangailangan, na makipag-ugnayan sa kanilang opisina, o kaya naman ay sa Office Of The Senior Citizens Affairs. Mayroon din umanong mga chapter ang OSCA sa bawat barangay na siya naman makikipag-ugnayan sa sa opisina nito sa bayan ng Ibaan.
Ang nasabing paalala ay para na rin mabigyang pagkakataon ang MSWD na maisaayos o ma-update ang kanilang opisyal ng talaan ng mga senior citizen. Ganun pa man, dagdag pa ni Gng. Irene, bagama’t nasa listahan na ang isang senior citizen, hindi pa rin sila awtomatikong magiging isang social pensioner. Ang listahan ng MSWD na kinapapalooban ng senior citizens sa Ibaan ay ipapadala sa DSWD – Regional Office na siya namang may  kapangyarihan na mag-approve ng pangalan o bilang ng senior citizen, base sa kanilang impormasyon, na mapapasama sa opisyal na social pensioner sa bayan ng Ibaan.

Ang DSWD Regional Office ang may kapangyarihan na magdesisyon kung ilang bilang ng senior citizen social pensioner sa isang bayan. Sa madaling salita, sila ang naglalaan ng “slot” bawat bayan. Ang tanging nagagawa ng isang bayan ay magsumite ng mga pangalan ng senior citizen sa kanyang nasasakupan at maghintay kung ilan ang maaaprubahan ng DSWD Regional Office. Ganun pa man, patuloy sa pakikipag-usap si Mayor Danny Toreja sa nasabing opisina na humihiling na patuloy na madagdagan ang bilang ng “slot” na maibigay sa bayan ng Ibaan para na rin madagdagan ang bilang ng senior citizen na makakatanggap ng social pension.

At kung mabigyan ng slot ng DSWD – Regional Office ang Ibaan para sa panibagong social pensioner, mabibigyan ng pagkakataon ang mga nasa listahan ng MSWD  na hindi na-accommodate nitong nagdaang taon.

Ang karagdagang slot o karagdagang bilang ng social pensioner ang siya namang patuloy na ipinapakiusap ng Punong Bayan na maibigay sa Ibaan mula sa nasabing ahensya.

 

 

Advertisements

One thought on “Senior Citizens, Muling Tumanggap Ng Social Pension

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s