Tulong Puhunan Sa Mga SEA-K Beneficiaries, Ipinagkaloob

Ipinaliwanag ni Mayor Danny Toreja ang kahalagahan ng SEA-K at kung paano ito naiparating sa bayan ng Ibaan para sa mga benepisaryo.
Ipinaliwanag ni Mayor Danny Toreja ang kahalagahan ng SEA-K at kung paano ito naiparating sa bayan ng Ibaan para sa mga benepisaryo.

December 17, 2015 | Lala Esmana

Muling nagkaloob ng tulong-puhunan ang Pamahalaang Bayan ng Ibaan sa mga bagong tatag na Self Employment Assistance – Kaunlaran (SEA-K) sa ilalim pa rin ng programang Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development na ipinapatupad naman ng pamunuan ni Mayor Danny Toreja sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office, December 17.

Masayang tinanggap ng mga benepisaryo ang SEA-K bilang isang maganda at maagang pamasko para sa kanilang pamilya.
Masayang tinanggap ng mga benepisaryo ang SEA-K bilang isang maganda at maagang pamasko para sa kanilang pamilya.

Mula sa Barangay ng Pangao, Palindan, Catandala, at Munting Tubig na may 70 kasapi ang nabigyan ng tulong puhunan na nagkakahalaga ng P554,000.00 sa kabuuan upang maging pasimula ng bawat miyembro sa kanilang proyektong napili upang maging negosyo.

Sa pagkakaloob ng halagang nabanggit, inaasahan na mga bagong negosyo ang masisimulan ng mga miyembro. Maaring maliit na halaga lamang ito, subalit magiging positibo naman ang epekto nito sa pang-ekonomiyang aspeto ng pamumuhay ng pamilya ng bawat miyembro.

Naniniwala si Mayor Danny Toreja na sa unti-unting pagbibigay ng pangkabuhayang puhunan, unti-unti rin na nabibigyang lakas at kakayanan ang bawat pamilya na maitaguyod at masuportahan ang kanilang mga pangangailangan.

At sa pinagsama-samang resulta nito, positibo din ang magiging epekto nito sa pangkalahatan sa bayan ng Ibaan.

Ayon pa kay Mayor Danny Toreja, mga ganitong programa ang kaniyang tinututukan na maihatid sa mamamayan kung saan pangmatagalang epekto at pakinabang ang hatid sa mga benepisaryo.

Sinegundahan ni Gng. Irene Torres, hepe ng MSWDO, ang paliwanag ni Mayor Danny Toreja hinggil sa kabutihang dulot ng SEA-K.
Sinegundahan ni Gng. Irene Torres, hepe ng MSWDO, ang paliwanag ni Mayor Danny Toreja hinggil sa kabutihang dulot ng SEA-K.

Kaagapay ng Punong Bayan sa proyektong ito si Vice Mayor Sixto Yabyabin, Sangguniang Bayan, Gng. Irene Torres ng MSWD at ang Project Development Officer II mula sa Region IV ng Department of Social Welfare and Development Gng. Lorie Daya.

Sinigurado din mga nabanggit na personalidad na ang pondo para dito ay sustainable o tuloy- tuloy kaya’t inaasahang magiging maunlad at may kahihinatnan ang paggamit nito ng mga kasapi ng SEA – K Association.

Dumalo din sa nasabing pagkakataon sina Coun. Soc Arellano, Coun. PJ Chua, Coun. Rodel de Castro, Rico Caringal, at Julius Panaligan.

Related Article:

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s