Transaction Card ng Pag- Ibig Magiging I.D Na

pagibig loyalty card

December 16, 2015 | Lala Esmana

Mula sa pagiging transaction card ay magkakaroon na ng tunay na I.D. ang bawat miyembro ng PAG-IBIG. Unang hakbang dito ang pagpapakuha ng litrato para sa nasabing I.D. at pag-fill up ng form para sa mga impormasyon ng mga miyembro. At hindi naman ito pinalampas ng mga empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan, December 16.

Ang nasabing I.D. ay tinatawag na Loyalty Card mula sa tanggapan ng PAG-IBIG Batangas City Branch na pwedeng gamitin ng bawat miyembro bilang discount card. Maaari din itong iprisinta sa tuwing kukuha o mag-aapply ng loan ang miyembro.

Ayon sa data capturers ng Pag-Ibig na sina Charles Brinosa at Ernani Benavides, isang lifetime ID ang Pag-Ibig Loyalty Card. Maari din umano itong gamitin bilang discount card sa mga establisyamento sa partner ng Pag-Ibig.

Dagdag pa nila, isinusulong na ng pamunuan ang Pag-Ibig na maikonsidera ang Loyalty Card bilang isang valid ID tulad ng mga Driver’s License, Voters ID, SSS ID at iba na maaring gamit sa mga transaksyon sa mga pribado at pampublikong ahensya.

Nitong araw, mga kawani ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dra. Agnes Chua ang siyang naka-schedule sa mga data encoders mula sa Pag-Ibig Batangas City para sa kanilang Loyalty ID.

Advertisements

One thought on “Transaction Card ng Pag- Ibig Magiging I.D Na

  1. Magandang araw po…
    Nais ko ipaalam na ang tagal e deliver ng loyalty card ko po. March 9 2016 po ako nag apply. Paki fallow up po naman. Thanks

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s