Iwas Indiscriminate Firing, Isinagawa

Pinirmahan nina PSI Ricaredo Dalisay at Mayor Danny Toreja ang tape ng ikinapit sa punglo ng baril ng mga pulis.
Pinirmahan nina PSI Ricaredo Dalisay at Mayor Danny Toreja ang tape ng ikinapit sa punglo ng baril ng mga pulis.

December 17, 2015 | Avegail Alday

Upang maiwasan ang indiscriminate firing at masiguro ang walang saysay na pagpapaputok ng baril, lalong higit ang mga kapulisan, isinagawa ang paglalagay ng tape sa muzzle o punglo ng baril ng mga pulis sa bayan ng Ibaan, December 17.

Kasama si Ibaan Municipal Police Station Chief Police Senior Inspector Ricaredo Datinguinoo Dalisay, pinangunahan ni Mayor Danny Toreja ang pagsasagawa nito kung saan nagbigay ng kanilang kooperasyo ang lahat ng pulis na nakatalaga sa bayan ng Ibaan.

 

PSI Ricaredo Dalisay
PSI Ricaredo Dalisay

Ayon pa kay PSI Ricaredo Datinguinoo Dalisay, isinagawa ang bagay na ito upang mabilis na matukoy ang sinumang pulis na walang saysay na magpapaputok ng baril, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon. Ito rin umano ay base sa kautusan ng Batangas Police Provincial Command.

Ganun pa man, kung dumating man ang pagkakataon na hindi talaga maiiwasan na gamitin ang baril sa pagtupad ng kanilang tungkulin, maari umanong gamitin at magpaputok ng baril ang pulis kung talagang kinakailangan. Subalit, dagdag pa ni PSI Dalisay, hangga’t maaari, iwasan ito para na rin sa kaligtasan ng nakararami.

Marapat din na ipaalam muna kay PSI Dalisay ang pagtatanggal nito. Haharap naman sa kasong administratibo ang sinumang pulis na lalabag dito, lalong higit ang sinumang mahuhuli na magpapaputok ng baril na walang kinalaman sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

PIO Staff Avegail Alday habang kapanayam si PSI Dalisay.
PIO Staff Avegail Alday habang kapanayam si PSI Dalisay.

Nagpahatid na rin ng panawagan si PSI Dalisay sa mga pribadong individwal na nagmamay-ari ng baril gawin din ito upang hindi maengganyo na magpaputok ng baril upang maiwasan ang anumang sakuna, lalo na ang mga bunga ng “stray bullet” o ligaw na bala.

 

Related Article:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s