Ibaan Municipal Employees Team Building 2015, Isinagawa

teambuilding Mayor Danny Toreja 1
Mga empleyado ng Pamahalaang Lokal masayang idinaos ang Team Building

Nilahukan ng 115 opisyales at empleyado ng munisipyo mula sa iba’t ibang departamento ang nasabing Team Building na ginanap noong November 28- 30, 2015 sa Municipal Government Building Poblacion, Ibaan, Batangas.

Layunin ng nasabing Team Building ang pagkakaroon ng pagkakaisa sa bawat departamento kung saan ang kanilang mga trabaho ay may koneksyon sa isa’t isa. At dahil sa halos matatapos na ang taon, isa rin ito sa mga nakikitang paraan upang mabawasan ang pagod, boredom, at tensyon na dulot na kanilang mga obligasyon na hatid ng bawat posisyon na kanilang hinahawakan bilang isang lingkod bayan.

teambuilding Mayor Danny Toreja 12

Sa unang araw ay nagkaroon ng palaro. Ang mga kalahok ay hinati sa tatlong grupo kung saan nagpakitang gilas ang bawat grupo. Sa unang laro ay ang pataasan ng paper cup I. Ito ay bawat grupo ay may tig 300 paper cups na paunahang mapataas at mabuo ang tower. Ito ay napagwagian ng Group II na kinabibilangan nina  Allan Guerra,  Helen Alcover, Eufrosina Ona,  Rodrigo Hernandez,  Allan Celso Semira,  Marife Prisca Semira,  Ofelia Benamar, Connie Guerra, Juanita Panganiban at Annaliza Salazar.

Ang ikalawang laro ang pataasan ng paper cup II at ito ay kahit anong style basta pinakamataas hanggang 15 minuto at ito ay pinagwagian muli ng ikalawang grupo. Walang pagsidlan ng kasiyahan ng mga kalahok sa naganap na palaro sa unang araw.

Sa ikalawang araw, pinangunahan ng ating Administrator Librado Dimaunahan ang pambungad na pananalita na nagbigay kasiyahan sa mga empleyado. Nang dumating ang ating Punong Bayan Mayor Juan “Danny’ Toreja ay nagbigay din siya ng kanyang  mensahe at nagsimula na muli ang palaro. Ang unang laro sa ikalawang araw ay ang pataasan ng paper cup III at bawat member ay may tig 30 pcs. ng paper cups. Isa isang ilalagay ang paer cups ng bawat member hanggang mapataas ito at muli itong napanaluhan ng group II.

 

Isa pang laro ay ang hulla hoop transfer at ito ay paunahang mailusot ang hulla hoop sa katawan ng bawat myembro at hindi pwedeng gamitan ng kamay.

Pagkatapos mailipat susuot sa bilog ng hulla hoop ang grupong maunang matapos at ito ay pinagwagian ng unang grupo na sina Jahmil Acebo, Manolo Aguila, Wilbert De Castro, Wilfredo Lumanglas, Merlyn Argente, Ethel Joy Salazar, Merlene Magnaye, Lilian Ramos at Justina Villones. At ang pinakahuling laro ay ang paper holding  at ito ay hindi dapat hayaang mahulog ang papel at hindi pwedeng gamitin ang kamay at parte lang ng katawan ang pwede lang ay ang ulo, balikat, siko, at iba pa. Ito ay pinagwagian ng grupo nina Alday, Cantos, Manigbas, Alvares, Javier, Salazar, Blay, Ramos, Porillo, at Guerra.

Masaya ang lahat ng nakiisa sa palaro. May nanalo man o natalo nakangiti pa rin ang lahat at natapos ito ng masaya. Lahat ay panalo.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s