Christmas Tree, Iginupo Ni Nona

DSC_0136
Yumuko sa bandang gitna ang may 30ft. na Christmas Tree ng Brgy. Poblacion na matatagpuan sa People’s Park dahil na rin sa lakas ng hangin na dala ng bagyong Nona, December 16.

December 17, 2015 | Lala Esman and Avegail Alday

Isang nakakalungkot na tanawin ang sumalubong sa Ibaan nitong nagdaang Miyerkules ng umaga, December 16.

Ito ay sa kadahilanang nasira ng bagyong Nona ang 30ft na Christmas Tree ng Brgy. Poblacion na matatagpuan sa People’s Park.

DSC_1903
Yumuko sa bandang gitna ang may 30ft. na Christmas Tree ng Brgy. Poblacion na matatagpuan sa People’s Park dahil na rin sa lakas ng hangin na dala ng bagyong Nona, December 15.

Sa lakas ng hangin na dala ni Nona noong gabi ng December 15 (Martes), at maaaring dahil na rin sa bigat ng mga parol na nakakabit dito, halos maputol sa gitnang bahagi ang Christmas Tree at tila yumuko na lamang bilang pagsuko sa lakas ni Nona.

Opisyal na sinindihan o inilawan ang nasabing Christmas Tree noong December 1 kasabay ng pag-iilaw sa mga parol na kasali sa Inter School Christmas Lantern Making Competition ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan.

Sa unang gabi pa lamang, naging isa na itong pamosong atraksyon sa mga mamamayan ng Ibaan dahil na rin sa liwanag at kulay na hatid nito kasama ang higit sa 200 na parol na nakakabit sa paligid nito.

Subalit dahil na rin sa di inaasahang pangyayari, pansamantalang magiging mapanglaw ang People’s Park.

Nagkaroon na ng pagpupulong ang mga kinauukulan upang isaasyos ang nasabing Christmas Tree. Inaasahan na muli itong maiitayo bago sumapit ng araw ng Pasko.

DSC_0139.JPG

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s