Tatlong Rice Reapers, Ipinagkaloob Sa Asosasyon Ng Mga Magsasaka

IMG_20151207_092316
Ang asosasyon ng mga magsasaka mula sa Brgy. Sabang, Matala, at Talaibon

December 7, 2015 |Lala Esmana

Tatlong Rice Reapers o makinang pang- gapas ng palay ang ipinagkaloob sa tatlong asosasyon ng mga magsasaka, December 7.

Sa ilalim pa rin ng Proyektong Bottom Up Budgeting kaagapay ang Lokal na Pamahalaan ng Ibaan sa pangunguna ni Mayor Juan ” Danny ” Toreja at ng Hepe ng Tanggapan ng Agrikultura Gng. Ethel Joy Salazar, kasama ang pinuno ng komitiba ng Agrikultura Kon. Rodel De Castro, DILG Lorna Silva ay napagkalooban ang sektor ng mga magsasaka sa kanilang kailangang kagamitan sa pagsasaka, ang rice reaper o makinang pang gapas ng palay.

IMG_20151207_092543
Si Mayor Danny Toreja at mga kasamahan habang ipinaliliwanag sa mga magsasaka kung paano gamitin ang rice reaper.

Ang tatlong asosasyon ng mga magsasaka ay ang Sabang Farmers Association sa pamumuno ni G. Luis Gamboa, Talaibon Farmers Association sa pamumuno naman ni Gng. Julia De Guzman at Matala Irrigators Asosociation sa pamumuno ni G. Menandro Dalisay.

Ang nasabing tatlong rice reapers ay pinondohan ng P500,000.00 upang mas higit na maging produktibo at mapabilis ang pag- aani ng palay ng mga magsasaka at upang makatulong sa kanilang kabuhayan.

Pinag usapan din kung paano gamitin ang makinang pang- gapas na ito sa tulong ng supplier na nagmula sa The Brothers International Trading na si Gng. Glenda Garcia. Ayon sa kanya, kasama ang kanilang Technician,  nakahanda ang kanilang opisina na kumpunihan ang mga makina kung sakali na ang mga ito ay magkaproblema.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s